Lapid

PBBM pinuri ni Sen. Lapid sa pagpirma sa NIR law

June 14, 2024 PS Jun M. Sarmiento 243 views

PINURI ni Sen. Lito Lapid si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagpirma sa batas na nagtatatag ng Negros Island Region (NIR).

Ayon kay Sen. Lapid, chairman ng Senate Committee on Tourism, naging bahagi siya ng pagbalangkas ng NIR law sa ilalim ng Senate Bill No. 2507 na inaprubahan ng Senado noong March 12, 2024.

Bilang awtor, nag-file si Lapid ng Senate Bill No. 1469 o ang Negros Island Region Act of 2022 noong November 7, 2022.

Sinabi ni Lapid na ang pag-iisang rehiyon ng Negros Island at Siquijor Island magdudulot ng mas maayos, mas mabilis at mas episyenteng serbisyo para sa ating mga kababayang Negrense.

Ayon pa kay Lapid, malaking tulong sa pag-unlad ng rehiyon sa larangan ng turismo, kultura, economic development, industry transformation at Information and Communication Technology ang pagbubuo ng NIR.

Nauna rito, pinawalang-bisa ni dating Presidente Rodrigo Duterte ang Negros Island Region dahil sa kakulangan sa batas.