BBM3

PBBM NO SA PAG-IMPEACH KAY VP SARA

November 29, 2024 Chona Yu 77 views

MISMONG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang humarang sa ikinakasang impeachment complaint kay Vice President Sara Duterte.

Sa ambush interview sa Lucena, Quezon, sinabi ni Pangulong Marcos na pag-aaksaya lamang ng panahon ang pagpapatalsik sa puwesto kay Duterte.

Hindi naman kasi aniya mababago ang buhay ng isang Pilipino kung mai-impeach si Duterte.

“This is not important. This does not make a difference to even one single Filipino life. So why waste time on it,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“What will happen if somebody files an impeachment? It will tie down the House, it will tie down the Senate. It will just take up all our time and for what? For nothing, for nothing. None of this will help improve a single Filipino life,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Sabi ni Pangulong Marcos, storm in a teacup ang ingay ngayon sa pulitika.

Inamin ni Pangulong Marcos na nagpadala siya ng text message sa isang mambabatas para pakiusapan na huwag nang ituloy ang impeachment kay Duterte.

Ayon kay Pangulong Marcos, isang pribadong usapan ito na nag-leak sa publiko.

“Well, it was actually a private communication but na-leak na, yes. Because that’s really my opinion,” pahayag ni Pangulong Marcos.

PBBM di susuko sa pakikipagkaibigan kay Sara

Samantala, sinabi rin ng Pangulo na, “Never say never.”

Ito ang maiksing tugon niya sa pahayag ni Duterte na umabot na sa “point of no return” ang kanilang pagkakaibigan.

Sinabi ni Pangulong Marcos na hindi dapat nagsasalita ng tapos si Duterte.

Una rito, pinagbantaan ni Duterte na ipapapatay niya sina Pangulong Marcos, First Lady Liza Marcos at Speaker Ferdinand Martin Romualdez sakaling mapatay siya.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi niya palalagpasin ang banta ni Duterte.

AUTHOR PROFILE