PBBM namahagi ng P50M ayuda sa biktima ni ‘Pepito’ sa Catanduanes
AABOT sa P50 milyong ayuda ang ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga biktima ng bagyong Pepito sa Catanduanes.
Namaahagi rin si Pangulong Marcos ng relief goods, shelter assistance, at restoration of communication at power systems na sinira ng bagyo.
Nasa P2.5 milyong halaga ng relief goods ang ipinamahagi ni Pangulong Marcos.
Nagsagawa rin si Pangulong Marcos ng aerial inspection kasama si Catanduanes Governor Joseph Cua.
“Kung mayroon talagang problema at mayroon kayong pangangailangan, sabihan ninyo ang local government ninyo, sabihan ninyo ang ahensya ng gobyerno, at gagawin namin ang lahat upang kung anuman ‘yung problema na ‘yun ay nabibigyan natin ng solusyon,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Nabatid na 11 sa 16 na munisipalidad sa Catanduanes ang matinding hinagupit ng bagyo.