BBM Makikitang pinamumunuan ni President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ang 16th Cabinet meeting kasama ang mga pinuno ng government agencies sa Malacanang Palace nitong Miyerkules, April 03, 2024.

PBBM nakahandang tulungan OFWs sa Taiwan

April 3, 2024 Chona Yu 120 views

BBM1BBM2NAKAHANDA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tulungan ang mga Filipino na naapektuhan ng 7.5 magnitude na lindol sa Taiwan.

Sa kanyang X account, sinabi ni Pangulong Marcos na batid niya ang hirap na nararanasan ngayon ng Taiwan.

“We stand ready to assist and support our fellow Filipinos in Taiwan in any way possible during this difficult period,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Inatasan na rin ni Pangulong Marcos ang Department of Migrant Workers na tiyakin ang kaligtasan ng mga Filipino na nasa Taiwan.

“Rest assured, our Department of Migrant Workers is diligently ensuring the safety of the 159,480 Filipinos currently residing in Taiwan.Our hearts are with the people of Taiwan as they endure the aftermath of today’s powerful earthquake,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa pinakahuling talaan, apat katao na ang nasawi sa lindol. Ilang gusali na rin ang bumagsak.

Ayon sa ulat ng Manila Economic and Cultural Office, wala namang Filipino ang naiulat na nasugatan o nasawi sa lindol.

AUTHOR PROFILE