PBBM nagpasalamat sa suporta ng Amerika
PERSONAL na ipinaabot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pasasalamat dahil sa tulong ng Amerika sa Pilipinas.
Nakapulong ni Pangulong Marcos ang mga miyembro ng United States Vongressional Delegation (CODEL) sa Malakanyang.
Intresado ang CODEL sa pananaw at concerns ng Pilipinas sa China at kung ano ang pwedeng gawin ng Amerika para suportahan ang paggiit ng soberenya ng bansa at hurisdiksyon sa West Philippine Sea.
Pinalamatan naman ni Pangulong Marcos ang CODEL sa suportang ipinagkakaloob sa US-Philippines alliance.
Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga ang partnerhip at alyansa ng Pilipinas at Amerika para maayos na mapangasiwaan ang sitwasyon sa West Philippine Sea.
Pinangunahan ni Representative Michael Mc Caul, chairman ng House Committee on Homeland Security ang US Congressional delegation.
Kasama ni Mc Caul si Representative Addison Graves Wilson, miyembro ng House Committee on Foreign Affairs at isa ring Republican, 2nd district ng South Carolina.
Sa panig ni Mc Caul, pinasalamatan din nito si Pangulong Marcos para sa suporta ng Pilipinas sa Amerika sa usapin ng Kalayaan.
Ayon kay Mc Caul, nakita nila kung papaano atakehin ng ibang tyrannical governments ang Israel, Ukraine at Indo Pacific, kaya mahalaga aniyang matiyak na kabilang ang Pilipinas sa maisasama sa foreign military financing.
Matatandaan na sa ginanap na 2 plus 2 ministerial dialogue, nangako ang Amerika ng $500 milyon na pondo para sa Pilipinas, na gagamitin para palakasin ang kakayahan ng mga sundalong Filipino.