PBBM nagluksa sa mga nasawi sa bagyong Kristine
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagluluksa sa National Day of Mourning sa Talisay, Batangas sa mga nasawi dahil sa bagyong Kristine.
Dumalo rin si Pangulong Marcos sa misa at nagsindi ng kandila sa ground zero.
Namahagi naman ang Pangulo ng iba’t ibang tulong sa mga residente ng mga kagamitan para makapagpatayo ng bahay sa mga pamilyang nawalan ng mga tirahan.
Sa panig ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), namahagi ito ng mga materyales at kailangan ng may 559 pamilya na nawasak ang mga bahay sa pananalasa ng bagyomg Kristine.
Idineklara ni Pangulong Marcos ang Proclamation No. 728 bilang Day of National Mourning para mga biktima nt super typhoon Kristine .
Sa ilalim ng proklamasyon hinihikayat ang lahat ng mag alay ng dasal para sa mga nasawi sa bagyo, habang ipinag utos naman na ilagay sa half-mast ang mga bandila simila umaga sa lahat ng tanggapan at mga gusali ng gobyerno.