PBBM nag-donate ng P150M sa PCMC
AABOT sa P150 milyon ang donasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City bilang paggunita sa Childhood Cancer Awareness Month.
Tiniyak ni Pangulong Marcos na patuloy na susuportahan ng kanyang administrasyon ang mga batang cancer warriors.
“To our little warriors and their families: You are not alone in this fight. Hindi po kayo (nag-iisa).
Kami nandito po kasama ninyo at kabalikat ninyo na gagawin ang lahat upang tulungan ang inyong mga anak na maging malusog at maging malakas,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Isa ang PCMC sa National Centers for Specialized Health Care ng Department of Health (DOH) na nagbibigay ng pediatric care, training programs sa medical at allied healthcare providers.
“And I think, especially in the Filipino culture, that that is certainly the case not only with my parents, not only with the healthcare workers, but with every single family,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“After all, I think that all of us are unanimous in saying ang pinakamamahal natin sa buhay ang ating mga anak,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang mga tauhan ng PCMC sa dedikasyon na pangalagaan ang mga batang may cancer.
“In every small voice that I have heard today, in every brave smile that has crossed my path, I have seen a glimpse of that extraordinary courage that can move nations,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Bago natapos ang programa, inawitan ng mga batang may cancer si Pangulong Marcos ng “Happy Birthday.”
Naging emosyal naman si Pangulong Marcos at inabutan ang mga bata ng pagkain na galing sa fastfood.
Ipagdiriwang ni Pangulong Marcos ang kanyang 67th birthday sa Setyembre 13.