
PBBM ipinangako tuloy-tuloy na pagtatayo ng imprastraktura
IPINANGAKO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. an tuloy-tuloy na pagtatayo ng mga imprastraktura na mahalaga sa pag-unlad ng bansa.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pangako sa inagurasyon ng Improving Growth Corridors in Mindanao Road Sector Project (IGCMRSP) sa Zamboanga Peninsula.
“We will continue to build roads, bridges, ports, and airports all over the country so we can bring Filipinos closer together,” ani Pangulong Marcos sa event na ginanap sa Alicia, Zamboanga Sibugay.
“So, let us build upon this achievement as we continue the unending work of building structures that will bring a better life and an invigorating future for all our fellow Filipinos,” dagdag pa nito.
Sinabi ng Pangulo na determinado ang gobyerno na gumawa ng mga proyekto upang maging magkaka-ugnay ang iba’t ibang lugar sa bansa.
Sa ilalim ng IGCMRSP ay itatayo at aayusin ang kabuuang 151.60 kilometrong kalasada at 34 tulay sa Zamboanga Peninsula at Tawi-Tawi.
Ang kabuuang 154.96 kilometrong proyekto ay hinati sa tatlong core project, limang non-core project at tatlong bridge project.