BBM3

PBBM interesado sa WTE projects

May 30, 2024 Chona Yu 164 views

NAGPAHAYAG ng interes si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa waste-to-energy projects.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa harap ng mga malalaking negosyante sa Brunei sa harap ng major players ng energy sector sa Brunei, ipinaabot nito ang intension na gumamit ang Pilipinas ng pinakabagong state-of-the-art technology para sa transition mula sa paggamit ng fossil fuels patungo sa renewables.

“There’s a great deal of interest in that (waste to energy). But right now, it is not at the very macro level. It’s very much at the micro level. Yeah, it’s basically local governments because there is the problem, the attendant problem of what do we do with our waste?” pahayag ni Pangulong Marcos.

“The old solution was to ship them somewhere else and pay somebody else to put them in a landfill. Nobody wants it anymore. Nobody is not worth [the] money anymore for anyone. That’s a problem, especially in the big cities. But then that’s also where that solution could be most viable,” dagdag ng Pangulo.

Aminado si Pangulong Marcos na kailangan ng akmang imprastraktura para mapakinabangan ang mga basura at gawing enerhiya kung kaya kailangan ang tulong mula sa local government units.

“We had to organize garbage collection in half the province to be able to support that technology. And there’s with the problem this politics entered into it. It was just a little difficult. You must be familiar with the problem,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“But I think the legislators are coming around to the understanding that there actually are viable and clean solutions to the problem of waste disposal. So you take care of two very difficult problems at the same time,” dagdag ng Pangulo.

Kabilang sa mga nakapulong ni Pangulong Marcos ang mga negosyante mula sa Brunei Shell Petroleum Company Sdn. Bhd (BSP), Brunei LNG Sdn. Bhd (BLNG), Total Energies in BruneI, Serikandi Oilfield Services Sdn Bhd, at Adinin Group of Companies.

Sumentro ang pag-usap sa oportunidad sa renewable renewable energy sector.

AUTHOR PROFILE