BBM

PBBM inilatag na agenda sa unang Cabinet meeting sa 2025

January 2, 2025 Chona Yu 142 views

INILATAG na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang agenda para sa kauna-unahang Cabinet meeting ngayong taon.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez, nakikipagpulong si Pangulong Marcos kay Executive Secretary Lucas Bersamin para ayusin ang agenda.

“The President will be comparing some notes with the Executive Secretary today. This includes the agenda in the first cabinet meeting,” ani Chavez.

May mga private meetings din si Pangulong Marcos sa unang working way ng 2025.

Karaniwang isinasagawa ni Pangulong Marcos ang Cabinet meeting tuwing araw ng Martes.

AUTHOR PROFILE