Bangsamoro Source: Bangsamoro gov’t

PBBM inaprubahang urgent pagpapaliban ng BARMM polls

January 29, 2025 Chona Yu 94 views

SINERTIPAKAHANG urgent bill ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas na magpapaliban sa eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM.

Ito ang kinumpirma ng Presidential Communications Office matapos ihayag ng Senado na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang panukala para gawing urgent bill.

Gayunman, hindi naman tinukoy kung anong bersyon ang sinertipikahang urgent bill kung ang bersyon ng Senado o Kamara.

Sa bersyon ng Senado, na kasalukuyang nasa ikalawang pagbasa, ay nagmumungkahi na ipagpaliban ang halalan sa BARMM mula Mayo 11, 2025 at gawin na Oktubre 2025.

Sa bersyon ng Kamara, sa halip na Mayo 11, 2025, isinusulong na gawin na lamang ang eleksyon sa Mayo 2026.

AUTHOR PROFILE