BBM Source: Bongbong Marcos FB page

PBBM: Gobyerno mas doble kayod, kasunod ng paglago ng ekonomiya

August 10, 2024 Chona Yu 95 views

PATULOY na pagsusumikapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mapaganda pa ang lagay ng Pilipinas.

Pahayag ito ni Pangulong Marcos kasunod ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa 6.3 percent, kabilang sa mga mataas sa Asya.

Ayon kay Pangulong Marcos, doble kayod ang gagawin ng gobyerno.

“This is due to the increase in investments and construction under the Build Better More program,” bahagi ng video message ni Pangulong Marcos.

Sa kabila nito aminado ang Pangulo na wala itong kabuluhan kung hindi mararamdaman ng ordinaryong Filipino.

“Kaya patuloy ang ating pagbibigay ng sapat at kalidad na trabaho.” dagdag ni Pangulong Marcos.

Ibinida rin ng Punong Ehekutibo ang mga napagtagumpayan ng kanyang administrasyon.

“This June, the unemployment rate dropped to 3.1%, one of the lowest on record for the last two decades. Over 50.3 million Filipinos are now employed, with 63.8% of them in the formal sector.

Lalong dumadami ang mga kababayan nating may disente at pormal na hanap-buhay at naging bahagi ng middle class.”

“The poverty rate also dropped to 15.5%, which means we have lifted two and a half million Filipinos out of poverty, and only 10.9% of Filipino families remain poor.”

Pagtitiyak ng Pangulo, patuloy na mamumuhuna ang gobyerno sa mga job-generating infrastructure, social protection programs, health at edukasyon para sa lahat ng Pilipino.

“We will not rest on our laurels but use them to propel us forward into social and economic transformation.”

AUTHOR PROFILE