PBBM, FL Liza Marcos saludo kay Carlos Yulo
WALANG mapagsidlan ng tuwa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkakasungkit ng dalawang gintong medalya ni Carlos Yulo sa 2024 Paris Olympics.
“No words can express how proud we are of you, Caloy. You have achieved GOLD for the Philippines not once, but twice!” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Filipinos all over the world stood united, cheering and rooting for you,” dagdag pa ng Pangulo. “Aming ipinagmamalaki ang tagumpay mong nagniningning! Saludo kami sa iyo!”
Hindi rin nagpahuli ng pagbati si First Lady Liza Marcos.
“Woo hoo!! Watching you win that GOLD in REAL TIME for the second time was incredible!” pahayag ng Unang Ginang.
“You’ve made your country proud GALING!!” dagdag pa ng First Lady.
Nasungkit ng gymnast na si Yulo ang dalawang ginto sa floor exercise at vault.