PBBM, First Lady Liza nakihalubilo sa mga artista sa Malacanang
NAGNINGNING ang Kalayaan Grounds ng Malacanang Palace para sa star-studded event hosted by the First Couple, Pres. Ferdinand `Bongbong’ Marcos, Jr. and FL Maria Louise `Liza’ Araneta-Marcos para sa “Konsyerto sa Palasyo Para sa Pelikulang Pilipino” na dinaluhan ng napakaraming stars and celebrities kung saan kabilang ang mga lead stars and cast ng sampung pelikulang kalahok sa 50th Metro, Enrique Gil, Francine Diaz, Seth Fedelin, Arjo Atayde. Tirso Cruz III, Francine Diaz, Seth Fedelin, Cristine Reyes, Sue Ramirez, Aicelle Santos, Kokoy de Santos at marami pang iba. Namataan din namin doon ang industry stalwarts tulad nina Direk Joey Javier Reyes (FDCP chairman-CEO), Direk Laurice Guillen, Boots Anson Roa-Rodrigo, MMDA and MMFF chairman Atty. Don Artes, Sen. Robin Padilla, Sharon Cuneta, Christopher de Leon and wife Sandy Andolong, ABS-CBN’s chairman Mark Lopez, Helen Gamboa-Sotto, MTRCB chairperson Lala Sotto, Roselle Monteverde and son Atty. Keith Ryan Monteverde Teo, L.A.-based veteran actress Hilda Koronel, directors-writers and movie producers Jun Lana and Perci Intalan, Direk Pepe Diokno among others.
Ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ang nanguna among the performers na kinabilangan nina Gian Magdangal, Molly Langley, Dane Mercado at Jon Joven Uy with Sindaw Philippines Performing Arts Guild (dance group) together with the KSP Band.
Ang Konsyerto sa Palasyo (KSP) ay isang gabi ng pagtatanghal sa loob ng Malacanang na naglalayong mabigyan ng entablado at mas makilala ang mga Pilipinong mang-aawit, mananayaw at iba pang alagad ng sining ng pagtatanghal. Ito’y initiative ng Office of the President bilang pagsuporta ng pamahalaan sa halaga ng larangang ito sa pagkakakilanlan at kultura ng mga Pilipino.
Isinasagawa rin ito bilang pagkilala sa iba’t ibang sektor ng Lipunan tulad ng mga sundalo, guro, atleta, healthcare workers at iba pang walang sawa ang dedikasyon sa kanilang trabaho. Sila ang tunay na nagbibigay karangalan sa bansa sa pamamagitan ng kanilang sipag at galing saanman sila sa mundo.
Nagpasalamat naman si Vice Ganda sa inisyatibong ito ng pamahalaan na kailangang-kailangan ng industriya ng pelikulang Pilipino na sobrang naapektuhan laluna nung panahon ng pandemya.
Chavit naglunsad ng bagong negosyo
DALAWANG taon ding nagpahinga sa political arena ang popular and successful businessman and politician na si Luis `Chavit’ Crisologo Singson who made wonders for Vigan and Narvacan, Ilocos Sur nang ito’y umupong gobernador ng Vigan ng maraming taon at mayor ng Narvacan ng isang termino. Pero sa darating na mid-term elections ay muling susubok si G. Chavit bilang senador.
Naniniwala kasi ang well-loved former governor ng Vigan, Ilocos Sur na mas marami siyang matutulungan kapag siya’y nasa Senado bukod pa rito ang pagbabalangkas ng mga bagong batas na naaayon sa panahon ngayon.
Unknown to many, may libo nang scholars ang tinulungan at patuloy na tinutulungan ni dating Vigan Governor Chavit na makapagtapos ng kanilang pag-aaral hindi lamang from Ilocos Sur kundi maging sa ibang lugar ng Pilipinas.
Napaganda rin niya ang Vigan, Ilocos Sur na pumasok sa 7 Wonders of the World when he was the governor. Nanilbihan rin siya ng isang termino sa Narvacan bilang mayor para lamang matulungan ang nasabing bayan.
Bukod sa magagandang tanawin sa Vigan, idagdag pa rito ang kanyang 100-hectare-owned Balauarte Resort and mini zoo na kasamang dinarayo ng mga turista (both local and foreign tourists). Nariyan din ang Calle Crisologo (Heritage Park), Bantay Church Bell Tower, Vigan Cathedral, National Museum of the Philippines (Ilocos Museum Regional Complex), Chapel by The Ruins, Pagburnayan Jar Factory, Plaza Burgos, Arce Mansion, Syquia Mansion, Crisologo Museum, RG Jar Factory at iba pa. Ito’y bukod pa sa masasarap na Ilocano cuisine.
Dahil din sa maraming negosyo ni former Gov. Chavit, maraming tao ang kanyang nabibigyan ng hanap-buhay.
Samantala, ang isa sa pinakabagong negosyo ng businessman-politician ay ang kanyang VBank (V stands for Vigan) na siyang maituturing na future ng modern banking sa Pilipinas.
VBank was formally launched last Sunday, December 15 sa Blackout Festival Kick-Off na ginanap sa Bridgetowne Destination Estate in Pasig City na personal na dinaluhan ng businessman-politician na si former Vigan Governor Chavit Singson kung saan special guest ang comedy queen na si Ai-Ai de las Alas.
Ang kailangan lamang ay magbukas ng bank account mula sa app. Magpadala ng pera sa lahat ng bangko at wallet, magbayad ng bills at mag-load. Mag cash-in sa Tambunting Pawnshop, Puregod at Alfamart at 6,000+ outlets nationwide.
Manalo sa 58 Days pa-raffle ni Manong Chavit. I-follow lamang ang FB page ni Manong Chavit. Dahil #58 siya sa balota sa pagka-senador, 58 winners ng P5,800 pesos ang mananalo araw-araw. One winner of P5,800 ang mananalo araw-araw for 58 days with P580,000 grand prize on the 58th day. Ang raffle ay nagsimula last Sunday, December 15, 2024 at magtatapos on the 58th day.
Samantala, pagkagaling ni Gov. Chavit sa formal launch ng VBank ay tumuloy siya sa Filipino-Chinese Lunar Celebration ng Filipino-Chinese General Chamber of Commerce and Filipino-Chinese Charitable Association na ginanap sa Century Sea Food Restaurant in Vito Cruz, Manila.
Hilda nasa bansa para gumawa ng bagong project
NASA bansa ngayon ang Los Angeles, California-based award-winning actress na si Hilda Koronel. We bumped into her at the Kalayaan Grounds in Malacanang last Sunday, December 15, 2024 for “Konsyerto sa Palasyo para sa Industriya ng Pelikulang Pilipino. Sa aming chance encounter, sinabi niyang meron umano siyang ginagawang proyekto ngayon sa Pilipinas na siyang rason kung bakit nasa bansa siya ngayon.
The last movie project na kanyang ginawa ay ang “The Mistress” nung 2013 habang nung 2005 pa ang kanyang huling TV series, ang “Ikaw ang Lahat sa Akin” under ABS-CBN.
Marami ang nagku-convince kay Hilda na muli itong bumalik ng Pilipinas ang maging aktibong muli sa kanyang acting career both sa pelikula at telebisyon.
The award-winning actress and former Lea Productions contract star was formerly married to the late award-winning actor Jay Ilagan with whom she has a daughter, Leona Ilagan.
Susan Reid in real life, the Fil-American actress was only 13 years old when she did her first movie under Lea Productions, the Lino Brocka-helmed award-winning movie “Santiago” starring Fernando Poe, Jr. and Dante Rivero. She’s also known for her other award-winning movies na pinamahalaan ng yumaong megman na si Lino Brocka tulad ng “Maynila: Sa Kuko ng Liwanag,” “Insiang” at iba pa. She has four other children na sina Diego R. Reyes, Gabby R. Monserrat, Isabel del Castillo and Ivy Reid.
Tiyak na marami ang matutuwa kung magiging aktibong muli si Hilda sa kanyang acting career sa Pilipinas.
Kathryn aktibo muli sa IG
MARAMI ang natuwa nang pagiging aktibong muli sa kanyang social media IG account ng phenomenal star na si Kathryn Bernardo pagkatapos ng record-breaking movie nila ni Alden Richards, ang “Hello, Love, Again” na kumita ng mahigit P1.4B sa loob lamang ng sampung araw sa Pilipinas maging sa ibang bansa.
Hindi pa naglalabas ng exact figure ang ABS-CBN at GMA sa over-all na kinita ng pelikula na palabas in over 1,100 movie theaters worldwide at pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana.