PBBM, First Lady Liza Marcos namahagi ng mobile clinics
PERSONAL na pinangunahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos ang pamamahagi ng mobile clinics sa Manila Port Area.
Aabot sa 28 na makabagong Bagong Pilipinas mobile clinics ang ibinabiyahe na papuntang Mindanao at inaasahang ipapamahagi sa ibat – ibang lalawigan.
Isinakay sa barko ang mga mobile clinics
Ayon kay Pangulong Marcos, masalimuot ang dinaranas na buhay ng mga Filipino kung walang access sa healthcare lalo na kung kinakailangan pa na bumiyahe ng malayo.
Umaasa si Pangulong Marcos na dahil sa mga mobile clinics ay aabutin ng pamahalaan ang mga nasa malalayong lugar at ilalapit ang serbisyong medikal.
“Ang kalusugan ay karapatan, hindi pribilehiyo. At sa bawat pag-usad ng mobile clinic, tinitiyak natin dama ito ng bawat Filipino,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Hinikayat ni Pangulong Marcos si First Lady Liza na ipagpatuloy ang ginagawang mga proyektong may kinalaman sa kalusugan gaya ng inisyatibo nitong “Lab for All” na namamahagi din ng mobile clinics ng walang galing sa national government na pondo.
Ang “Lab for All” sabi ni Pangulong Marcos ay itinataguyod sa tulong na rin ng mga kaibigan ng First Lady.