BBM Sa BARMM Mayors Conference sa Diamond Hotel sa Maynila, sinabi ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na tiwala siyang magiging mapayapa, tapat, at transparent ang halalan sa BARMM sa May 12, 2025 kasabay ng midterm elections. Source: FlamingText.com

PBBM: Eleksyon sa BARMM magiging tagumpay, payapa

June 25, 2024 Chona Yu 215 views

BBM1BBM2BBM3TIWALA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magiging matagumpay ang kauna-unahang parliamentary election ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa tulong ng mga lokal na lider.

Sa BARMM Mayors Conference sa Diamond Hotel sa Maynila, sinabi ni Pangulong Marcos na ibig sabihin aniya nito ay magiging mapayapa, tapat, at transparent ang halalan sa rehiyon sa May 12, 2025 kasabay ng midterm elections.

Hinimok naman ng Pangulo ang lahat ng mga stakeholders sa Mindanao na samantalahin ang pagkakataon upang higit pang paunlarin ang BARMM sa pamamagitan ng pagkakaisa at konstruktibong diyalogo, habang binibigyang-diin ang malaking potensyal ng rehiyon.

Ayon kay Pangulong Marcos, nasa mga mamamayan na ang lahat ng oportunidad at nasa kanila na lamang kung paano ito gagamitin kung saan ang tanging paraan aniya upang magawa ito ay magtulungan at magkaintindihan.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na dahil sa potensiyal ng Mindanao ay maaaring maglagay ng malalaking manufacturing facilities sa rehiyon upang magbigay ng trabaho at kabuhayan sa mga lokal na komunidad.

May mga kumpanya na aniyang nagbabalak na magnegosyo sa lugar dahil na rin sa mga umiiral na pamumuhunan dito.

AUTHOR PROFILE