Ferdinand Martin G. Romualdez

PBBM EFFECTIVE

April 23, 2024 Mar Rodriguez 92 views

Mga programa ng administrasyong Marcos nakatulong sa pagbaba ng self-rated poverty, walang makain

IKINALUGOD ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang resulta ng pinakahuling survey kung saan bumaba ang bilang ng self-rated poverty at walang makaing Pilipino na patunay umano na epektibo ang mga anti-poverty program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kabilang ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) at ilang pang inisyatiba tulad ng Cash and Rice Distribution (CARD) at iba pa.

Pinuri ni Speaker Romualdez ang resulta ng OCTA Research kung saan bumaba ng 3 percentage points ang bilang ng mga pamilya na kinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap at nakaranas na walang makain, mula 45 porsyento noong fourth quarter ng 2023 sa 42 porsyento nitong first quarter ng 2024, at mula 14 porsyento patungong 11 porsyento, respectively, sa kaparehong panahon.

“It is heartening to see that the number of families considering themselves poor has dropped to 42%, down from 45% in the previous quarter. Similarly, self-rated hunger has decreased to 11% from 14% in the same period,” sabi ni Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

“These figures represent a decline of approximately 800,000 families in both categories, a clear indication that our economic measures are effectively reaching and improving the lives of our people,” punto ng lider ng Kamara.

Iniugnay naman ni Speaker Romualdez ang pagbaba sa bilang na ito sa mga programang pang-ekonomiya at anti-poverty efforts ni Pangulong Marcos na maigting na sinusuportahan ng Kamara de Representantes.

Kabilang dito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE), at iba pang programa gaya ng libreng kolehiyo, health insurance at direktang cash subsidy.

“This positive trajectory in reducing poverty and hunger underscores the impact of our targeted policies aimed at enhancing economic stability and providing necessary support to the most vulnerable sectors. The decrease in the number of families who consider themselves food-poor – from 42% to 37% – further attests to the success of our food security programs,” ani Speaker Romualdez.

Maging ang Kamara aniya, katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan, ay tumutulong sa pamamagitan ng paglulunsad ng kanilang programa tulad ng BPSF; CARD; Start-up, Investment, Business Opportunity and Livelihood (SIBOL); at Farmers Assistance for Recovery and Modernization (FARM).

Tinuran pa ni Speaker Romualdez ang BPSF, na katatapos lang ang ika-15 sigwada sa Benguet, na katuparan ng hangarin ng Pangulong Marcos na mailapit sa taumbayan ang serbisyo ng gobyerno, kasama ang pagkain, tulong pinansyal at pangkabuhayan sa lahat ng 82 probinsya ng bansa.

“The BPSF has already rolled out billions of pesos of government aid and services to 15 provinces. We are so pleased to see that this program has an impact on the lives of Filipino families. May we see the further decline of self-rated poverty and hunger in the future,” sabi ng kinatawan ng Leyte.

Patuloy naman na naghahatid ng bigas at tulong pinansyal ang CARD Program sa libu-libong benepisyaryo na pawang mula sa vulnerable sector, dahilan para bansagan si Speaker Romualdez bilang “Mr. Rice.”

Ganito rin aniya ang layunin ng SIBOL at FARM na inilunsad sa pangunguna ni Romualdez na nagbibigay pagkakataon sa mga maliliit na negosyante na mapalago ang kanilang negosyo, pati sa mga magsasaka na matugunan ang mga hamon sa kanilang pagtatanim.

Mayroon din aniyang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ang DSWD, na pinaglaanan ng pondo sa ilalim ng 2024 national budget para matulungan ang nasa 12 milyong mahihirap na low-income families o katumbas ng 48 milyong Pilipino na pagkakalooban ng one-time financial grant na P5,000

“Lahat po ng ito ay bilang suporta ng ating Kongreso sa mga programa ng ating mahal na Pangulong Marcos Jr. Makakaasa po tayo na ipagpapatuloy nating mag-isip ng mas maraming programa at ayuda para sa mga kababayan nating nangangailangan,” wika ni Speaker Romualdez.

Tinukoy pa ni Speaker Romualdez na batay sa OCTA survey sinasabi ng mga pamilya na nananatili sa P20,000 ang kinokonsidera nilang buwanang gastos ng kanilang pamilya, habang ang halaga na kakailanganin para maka-alpas sa kahirapan ay bumaba na sa P5,000 mula sa dating P7,000.

Isa aniya itong palatandaan na nagbubunga na ang mga hakbang ng Pangulong Marcos at ng Kamara para mapahupa ang inflation at mapataas ang household income.

“These improvements in self-rated poverty and hunger are more than statistics – they represent real gains in the everyday lives of our kababayans. Each percentage point decrease reflects thousands of families who now have better access to necessities and a more hopeful outlook on their future,” ani Speaker Romualdez

“While we celebrate these achievements, we also acknowledge that much work still needs to be done. We will continue to strengthen our social programs, enhance economic opportunities, and ensure that the growth we are fostering is felt by every Filipino family across our nation.”

“Together, we are making significant strides towards a poverty-free Philippines. Let us continue to support one another and work collectively to build a brighter and more prosperous future for all,” dagdag pa nito.

AUTHOR PROFILE