Default Thumbnail

PBBM dadalo sa Peace Summit sa Switzerland

June 3, 2024 Chona Yu 333 views

KINUMPIRMA ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na dadalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Peace Summit sa Switzerland sa June 16-16, 2024.

Ayon kay Zelenskyy base ito sa kanilang pag-uusap ni Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang.

“Yes. He said that the Philippines will support the summit. I said for us it is important for us [for] him to come. He said he will come and he will participate in the Summit. This is a great strong signal,” pahayag ni Zelenskyy.

Napakahalaga ayon kay Zelenskyy ang pagdalo ni Pangulong Marcos lalo’t nahaharap sa giyera ang Ukraine laban sa Russia.

Ayon kay Zelenskyy, mahalaga kasing makuha niya ang suporta ng mga bansa sa mundo para sa isinusulong nilang kapayapaan.

Sa katunayan aniya, nasa punto sila ngayon ng paghahanda sa mga hakbang tungo sa kapayapaan.

Personal aniya niyang inimbitahan si Pangulong Marcos sa Peace Summit.

Samantala may tatlong mahahalagang isyu rin aniya siyang nais na makamit sa pagbisita niya sa Pilipinas.

Kabilang dito ang pagtutok sa food security, nuclear security at humanitarian support para sa kanilang mga mamamayan na patuloy na naiipit sa giyera at dumaranas ng matinding epekto ng digmaan.

AUTHOR PROFILE