BBM Source: Facebook file photo

PBBM biyaheng Australia; bagong kasunduan lalagdaan

February 24, 2024 Chona Yu 312 views

MAGTUTUNGO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Canberra, Australia.

Ito ay para magsalita ang Pangulo sa mga miyembro ng parliament sa Pebrero 28 hanggang 29, 2024.

Tatalakayin ni Pangulong Marcos ang vision para sa Strategic Partnership sa pagitan ng Pilipinas at Australia na nilagdaan noong nakaraang taon.

May hiwalay din na meeting si Pangulong Marcos sa mga Australian senior officials kung saan magkakaroon ng constructive discussions ukol sa defense and security, trade, investments, people-to-people exchanges, multilateral cooperation, at regional issues.

Sasaksihan din ni Pangulong Marcos ang paglagda sa mga bagong kasunduan na makapagpapalawak pa ng mutual capacity-building sa pagitan ng dalawang bansa.

Ipagdiriwang ng Pilipinas at Australia ang ika-78 anibersaryo ng diplomatic relations sa Nobyembre ngayong taon.

As of 2022, nasa 408,000 Filipinos at Australians with Filipino descent ang nasa Australia dahilan para maging ika-limang pinakamalaking migrant community doon.

AUTHOR PROFILE