PBBM binati, pinasalamatan ni Tiangco sa ika-67 na kaawarawan
BINATI ni Navotas Rep. Toby Tiangco si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang 67th birthday kasabay ng muling pasasalamat sa paghahatid ng tulong pinansiyal sa 3,682 na mangingisda ng lungsod.
“We are deeply grateful that the President took time out of his busy schedule to visit Navotas and personally meet our fisherfolk beneficiaries.
His administration has provided extensive assistance to our residents and provided economic relief for thousands of Navoteños,” pahayag ni Rep.Tiangco.
“Saksi ang mga Navoteño na sa dalawang taon pa lamang ng administrasyong Marcos, napakarami na ng naipaabot niyang tulong sa aming mga kababayan sa Navotas.
Mula sa dagdag pondo para sa mga medical assistance, AICS, TUPAD at ang bagong programang AKAP, mas malawak ang naaabot ng mga programa ng pamahalaan sa pamumuno ni President Bongbong,” sabi ng kongresista.
Sinabi ni Rep. Tiangco na P5,000 lang sana ang nakatakdang ipamahagi ng Pangulo sa mga mangingisda subalit itinaas ito sa P7,500.
“Makikita naman natin ang agaran at mabilis na pag-responde ng ating Pangulo sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan. While Navotas was not directly affected by the oil spill in Bataan, our fisherfolk had to contend with low farmgate prices.
The cash assistance given by the President will significantly help in addressing the daily needs of their families,” dagdag pa niya.
Bago pa ang pagbisita ng Pangulo, ini-anunsiyo na ni Rep. Tiangco na makakatanggap ng ayuda ang may 2,368 rehistradong persons with disabilities (PWDs) mula sa AKAP Program na bahagi pa rin ng pagdiriwang ng kaarawan ng Pangulo.
“Libo-libong Navoteño na ang natulungan ng AKAP. Sa ngayon, aabot na sa 10,282 ang nabigyan ng cash assistance dahil sa programang ito simula noong Mayo pa lamang.
Clearly, the President is serious in his commitment to widen the reach of assistance programs of the government. Ramdam na ramdam iyan dito sa aming lungsod, at sa iba pang parte ng bansa,” sabi ng kongresista.
Ang Navotas tumanggap ng P43.415 milyong tulong mula sa Pangulo habang nagkaloob naman ng 10-kilong bigas sa lahat ng mga dumalo sa event si Speaker Martin Romualdez.
“We continue to support the President in his vision of a Bagong Pilipinas. We see the significant reach of his assistance to Filipinos in need, as well as stronger, relevant, and responsive programs that can truly uplift the lives of our kababayans nationwide,” pahayag ni Tiangco.