Erwin Ang inyong lingkod DSWD Sec. Erwin Tulfo kasama si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos. Mga litrato mula sa Facebook

PBBM at LAM malapit din pala sa mahihirap at inaapi

September 25, 2022 Erwin Tulfo 454 views
Erwin1
Matapos mag-treat ng lunch noong birthday nya noong September 13 sa mga Cabinet members at ilang politico sa Malacanan, mas pinili ni PBBM na i-celebrate na lamang ang birthday sa isang bahay ampunan sa San Juan City.

 

TulfoLINGID sa kaalaman ng karamihan, malapit ang mag-asawang Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos sa mga mahihirap at inaapi nating mga kababayan.

Matapos mag-treat ng lunch noong birthday nya noong September 13 sa mga Cabinet members at ilang politico sa Malacanan, mas pinili ni PBBM na i-celebrate na lamang ang birthday sa isang bahay ampunan sa San Juan City.

Spaghetti at chiken mula sa Jollibee at mga larauan ang dala ng Pangulo sa mga bata doon.

Pinalapit pa ng Pangulo sa kanya ang mga bata at kinalong ang ilan sa kanila sabay ang tanong, “Ano ang gusto mo paglaki?”.

Kita sa Pangulo ang awa sa mga nasabing bata na iniwan ng mga magulang o di kaya’y ulila na ng lubos.

Pinakain din ni PBBM ng fried chicken at spaghetti ang lahat ng mga bata sa mga reception centers ng DSWD sa buong bansa.

At bago naman tumulak pa-America noong nakaraang linggo si First Lady Liza, kasama ang Pangulo, nagtanong ito sa akin kung maaari niyang i-refer sa DSWD ang mga lumalapit na mahihirap na kababayan sa kanya para humingi ng medical o burial assistance.

Nabatid ko na bukod sa DSWD, inilalapit din ni Maam Liza sa PCSO ang humihingi ng ayuda sa kanya para sa kanilang pagpapagmot.

Nagtanong din ang Unang Ginang kung pwede nya raw dalawin ang mga kababaihan na biktima ng pang-aabuso sa mga bahay kalinga ng DSWD?

Malapit din kay Maam Liza ang mga solo parents dahil naitanong nya sa akin kapag ako’y napapadaan sa kanyang tanggapan kung kailan mailalabas ang implementing rules and regulation o IRR para sa expanded Solo Parents Welfare Act na malaki ang maitutulong sa mga solo parents lalo na sa mga mahihirap na single mothers.

Pero bago pa man maging Pangulo si PBBM, likas na talaga sa kanilang mag-asawa ang tumulong sa mga mahihirap.

Kasagsagan ng pandemya noong 2020 at 2021 nang ideklara ng gobyerno na mag-online class na lamang ang mga estudyante.

Sa pampublikong paaralan, nauso ang tinatawag na “blended learning” o yung “face to face” at online classes.

Maraming mga bata ang walang magamit pang-online dahil sa hirap ng buhay.

Daan-daang tablets ang ipinamigay ng mag-asawa noon.

Ilang buwan ko ding nakasama sa programa ko sa Radyo Pilipinas radyo si PBBM bilang guest host, at doon namigay din ito ng mga tablets at cellphones para sa mga bata.

May isang ginang nga noon na tatlo ang nag-aaral na anak at umiiyak habang kausap sa telepono si PBBM “on air”…binigyan nya lahat ng anak ni nanay ng tablet.

At ngayong pangulo na si BBM, panay ang pagkukumusta nya sa akin bilang DSWD Secretary sa mga mahihirap na kababayan natin tuwing Cabinet meeting namin.

Maraming pinapaayos ang Pangulo sa akin bilang DSWD Secretary na mga ayuda para sa mga mahihirap na Pilipino sa mga darating na buwan…inaayos at hinahanapan na namin ng pondo ang mga ito.

Salamat SIr PBBM at Maam FLLAM sa inyong ginintuang puso para sa mga mahihirap at inaapi.

AUTHOR PROFILE