Default Thumbnail

PBBM aksyon agad!

November 9, 2022 Vic Reyes 333 views

Vic ReyesMATAPOS inanunsyo ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, napasakamay na nga ng iba’t ibang consignees ang mga abandonadong “balikbayan boxes.”

Sinimulan ang libreng distribution ng abandonadong “balikbayan boxes”noon pang nakaraang Hulyo, ayon sa isang press statement ng Bureau of Customs (BoC).

“A total of 1,996 unpaid and abandoned ‘balikbayan boxes’ have been distributed to their intended recipients,” sabi ng BoC, na nasa ilalim ng Department of Finance.

Karamihan sa “balikbayan boxes” (1,667) ay dinala ng BoC sa mga recipient samantalang 329 packages ay kinuha ng mga consignee sa designated warehouses.

Ang delivered boxes ay kinabibilangan ng 1,450 na consigned sa CMG International Movers and Cargo Services.

May 30 boxes ang hindi nai-deliver sa mga consignee dahil kulang ang impormasyon at walang response mula sa recipient o sender.

Ayon sa report, 329 boxes na naka-consigned sa Island Kabayan Express ay kinuha ng mga recipient sa Portnet Logistics Warehouse sa Sta. Ana, Manila.

May 825 “balikbayan boxes” ang inendorso ng BoC sa Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines para sila na ang mag-deliver sa mga consignee.

Mabuti naman at nagboluntaryo ang BoC na i-bigay na lang ng libre ang mga pakete.

Naging maagang pamasko ito ng BoC sa mga kamag-anak ng ating mga overseas Filipino worker.

Maraming Salamat Commissioner Yogi Filemon Ruiz!

***

Noong nakaraang linggo ay nakasakote ang Bureau of Customs (BoC) at iba pang ahensya ng gobyerno ng mga puslit na sigarilyo sa Port of Zamboanga (POZ).

Nagkakahalaga ng P8 milyon, ang mga kontrabando ay nasabat sa Barangay Baliwasan, Zamboanga City noong Nobyembre 2.

May brand na ARTHUR, and 207 master cases of cigarettes ay sakay ng isang puting Elf van nang masabat ng mga otoridad.

Kasama sa apprehending team ay mga tauhan ng POZ CIIS at ESS-Customs Police Division, Regional Special Operations Group, at CIU-Zamboanga Police Office.

Bago ikinasa ang anti-smuggling operations ay nakatanggap ng impormasyon ang Port of Zamboanga na isang sasakyan ang may sakay na smuggled cigarettes.

Ang sasakyan at ang mga sigarilyo ay nasa custody ng Port of Zamboanga for proper inventory and disposition.

Ayon kay District Collector Segundo Sigmundfreud Barte Jr., malaking tulong ang pagkakatatag nila ng Task Force for Anti-Smuggling Operations.

Itinatag nila ang task force para paigtingin ang kampanya laban sa ismagling.

Ang pagsupil sa ismagling ay isa sa marching orders ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

***

Marami ang natutuwa, kasama na tayo, dahil ipinapakita ng administrasyong Marcos ang katatagan sa harap ng mga nagsusulputang problem.

Nandiyan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at essential commodities, kabilang na ang pagkain, at sunod-sunod na natural disasters.

Kitang-kita naman ang “genuine concern” ni Pangulong Marcos sa kapakanan ng ating mga kababayan, lalong-lalo na sa mga mahihirap sa buong bansa.

Sa tingin natin, nananatiling kalmado at focus si PBBM.

At mabuti din at hindi pa niya binibitawan ang pamumuno sa Department of Agriculture dahil sa dami ng problema sa ahensyang ito.

Kung aalis siya sa DA, malamang na hindi kaagad mabibigyang solusyon ang mga problema.

Kakailanganin pa kasing idaan sa proper channels bago makarating sa kanya ang mga problema.

Ang gusto niya ay aksyon agad.

(Para sa inyong komentonat suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE