
‘PBB’ ng ABS-CBN mapapanood na sa GMA
MULING magsasanib-puwersa ang GMA Network at ABS-CBN para ihatid ang inaasam ng fans na “Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab.”
Sa Chika Minute report ni Iya Villania sa GMA News 24 Oras, binisita ng TV host ang bahay ni “Kuya” upang personal na alamin ang malaking balita.
“Matapos ang dalawampung taon ng pagiging tahanan sa magkakaibang tao ay matutupad na rin ang isang pangarap na collab mula sa dalawang leader ng content creation—ang GMA at ABS-CBN.
“Sa susunod na pagbubukas ng aking bahay, mga bituin ang aking patutuluyin dahil ang mga housemates na magsasama sa isang bubong ay mga Kapuso star mula sa Sparkle at Kapamila artists mula sa Star Magic,” sabi ni Kuya.
Matatandaang nauna nang ipinahiwatig noong Sabado, Enero 25, isa umanong Big Balita tungkol sa nasabing reality show ng ABS-CBN.
Darryl inutusan ng korte na tanggalin ang controversial trailer
IN-ANNOUNCE ni Pauleen Luna via Instagram na may court ruling na sa petition for Writ of Habeas Data ng kanyang husband na si Vic Sotto against Darryl Yap dahil sa controversial trailer ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma.
According to the official court ruling, Vic Sotto’s Petition for Write of Habeas Data is “partially granted.”
Following this, the court has “ordered” Darryl Yap to “delete, take down, and remove the 26-second teaser video from online platforms, social media, or any other medium.”
This is due to misusing collected data/information “by presenting a conversation between two deceased individuals, which cannot be verified as having actually occurred.”
Post pa ni Pauleen: “Please, let us all be mindful and responsible about posting/sharing malicious content about people. We urge everyone to act with kindness, integrity, and respect, striving to uplift one another instead of causing harm.”
Pero pinayagan naman daw ng korte si Darryl Yap sa premiere ng pelikula niyang The Rapists of Pepsi Paloma, scheduled on February 5, 2025.
“Darryl Yap, however, is allowed to proceed with the production and eventual release of the film The Rapists of Pepsi Paloma,” the ruling read.
Kyline ipanakilala ni Kobe sa inang si Jackie sa California
NASA Los Angeles pala ngayon sina Kyline Alcantara at Kobe Paras.
On Instagram, pinost ng Kapuso actress ang photos and videos kuha sa National Basketball Association games at the Crypto.com Arena.
Last December, nag-Pasko si Kobe kasama ang pamilya ni Kyline. Pormal na pinakilala ni Kyline si Kobe sa parents niya.
Nasa L.A. ang dalawa para ipakilala naman ni Kobe si Kyline sa ina niyang si Jackie Forster na naka-reside sa California.
Ever supportive naman daw si Jackie sa kung sino ang nagpapaligaya sa kanyang mga anak.
Ryan naipakilala na si Paola sa mga magulang sa Korea
NAGING emosyonal ang Korean host na si Ryan Bang sa kanyang latest vlog kasama ang fiancee na si Paola Huyong.
Ibinahagi ni Ryan at ng kanyang partner ang kanilang engagement story sa naturang video.
Bukod dito, binalikan din nila ang kanilang trip sa South Korea, kung saan nakilala ni Paola ang estranged parents ni Ryan.
Hindi napigilan ng It’s Showtime host na maging emosyonal nang balikan ang reunion kasama ang kanyang mga magulang, na aniya’y isang dream come true.
Kwento ni Ryan, hiling niyang makasama ang kanyang mga magulang sa simpleng dinner o lunch.
“Gusto ko lang simpleng lunch or dinner with my mom [and] dad. Tapos first travel namin sa ibang bansa, sa Korea, with you [and] your sister. Sabi ko, ‘Mommy, dinner tayo with daddy.’ Ayaw, ayaw talaga, never nangyari.
“Tapos tinanong ko kay Daddy, ‘Dinner tayo with mom’ kasi nakakahiya nandiyan si Paola, nandoon ‘yung sister niya. Tapos nagse-send ng video greeting pa ‘yung magulang mo sa magulang ko. Ayaw talaga,” kwento ng TV personality.
Patuloy niya, sa huling araw nila sa Korea bago bumalik ng Pilipinas ay pumayag ang kanyang mga magulang.
“Noong last day [sa Korea], papunta kaming airport, biglang sabi ng mommy ko, ‘Sige na, tawagan mo na daddy mo.’ Sabi ng daddy ko, ‘Sige.’” pagbabahagi niya.
Dagdag pa ni Ryan, “Isdaan ‘yun e, nasa sulok lang. Nandoon daddy ko, mommy ko.”
Naging emosyonal si Ryan nang balikan ang muling pagsasama nila ng kanyang mga magulang at sinabing iyon ang best gift na naibigay sa kanya ng kanyang fiancee.
“That was the best gift mo sa akin kasi lunch ‘yun e, ang dami tao, pero buong lunch talagang kinukurot ko ‘yung hita ko para hindi ako iiyak, hindi ako [magsasalita], but it was a dream come true.
“Kahit hindi sila masyado nag-usap, para sa akin it was [the] best [na] nangyari sa buhay ko. Kasi nung bata ako, lagi silang nag-aaway. Wala akong memory na tatlo kaming kumain o tatlo kaming nag-travel,” patuloy niya.
Dagdag niya, “It was my first memory na I had isang meal, lunch with my mom [and] my dad, and nabuhay ako doon.”
Para kay Ryan, isang answered prayer ang muling makasama ang kanyang mga magulang.