Ruffa

Payo ni Ruffa kay Willie: Don’t be so sensitive

February 13, 2023 Vinia Vivar 417 views

Naniniwala si Ruffa Gutierrez na malalampasan din ni Willie Revillame ang dinadaanan nitong intriga at kontrobersiya kabilang na ang katakut-takot na bashings dahil sa ginawang paglipat sa AllTV, pang-iiwan sa GMA-7 at ngayon ay ang pagkakakansela ng show niya.

“You know, si Kuya Wils, I love kuya Wils, pero I think, he’s like a cat. He has nine lives, you know, parang nawala na siya, bumalik, nawala, bumalik, he’ll never go anywhere.

“I was calling him nga, sabi ko, ‘Kuya Wils, okay ka lang?’ (Sabi niya) ‘Mamaya na, mamaya na, nasa chopper ako papuntang yate!’ Ay, papuntang yate! ‘Di ba, nasa chopper siya.

“So, I think, he’ll be fine, I don’t think he will suffer a lot,” sabi ni Ruffa nang makatsikahan namin sa presscon ng pelikulang Martyr or Murderer.

At sa katakut-takot na bashings na natatanggap ngayon ni Willie, narito ang payo ni Ruffa: “Ang advice ko lang kay Kuya Wils, enjoy life. He’s super successful already, you know, enjoy time with his family, ‘wag nang pansinin ang mga basher. Nandiyan lang ‘yan, ang importante, happy siya sa pamilya niya, and sa tingin ko, narating na rin niya ‘yung tuktok ng tagumpay.

“And I believe that Kuya Wils has a good heart. So, ‘yung mga natulungan niya, nand’yan lang ‘yan, so patuloy siyang ipinagdarasal.

“So, chin up, Kuya Wils, don’t be so sensitive,” payo ni Ruffa.

CHARO, NABITIN KAY COCO

Bihirang tumanggap ng proyekto, TV man o pelikula, si Charo Santos-Concio. Pero hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang FPJ’s Batang Quiapo dahil gustung-gusto niyang katrabaho si Coco.

Nag-guest na si Charo noon sa FPJ’s Ang Probinsiyano at nabitin nga raw siya that time dahil seven days lang siya nag-taping.

“Bitin ‘yung experience. Kasi ‘yung energy sa set ni Coco, talagang very contagious, eh. Nakikita mo talaga ‘yung passion niya, ‘yung commitment sa trabaho.

“Tapos, very single-minded in what he wants for the program. And kilalang-kilala niya ‘yung mga character niya. Hindi ko nga alam kung paano niya ginagawa, ‘yung multi-tasking,” sey ni Charo sa mediacon ng FPJBQ.

“Siya ang nagbibigay ng linya, siya ang nagba-block ng mga artista, tapos siya ang naglalagay ng… even the camera blocking, ‘di ba? Ang hirap nu’n, ha?” dagdag niya.

“I mean, he is such a gifted person,” papuri pa niya kay Coco.

Totoo raw lahat ang magagandang sinasabi ng mga katrabaho ni Coco tungkol sa aktor kaya wish niya magtuluy-tuloy pa ang blessings nito para mas maraming matulungan.

Wish din niya na ‘wag magkasakit si Coco sa rami ng ginagawa at sana ay parati itong mag-ingat.

“You know, I wish a world full of many more Coco Martin,” ang deklara pa ni Charo.

Payo niya sa aktor, “You stay kindhearted, stay generous and always be grounded. ‘Yan ang importante.”

AUTHOR PROFILE