Majalc

Payo ni Lloydie, tumatak kay Maja

August 20, 2021 Vinia Vivar 90 views

Ibinahagi ni Maja Salvador ang naging payo sa kanya ni John Lloyd Cruz noong panahong may issue siya sa kanyang lovelife.

Sa tsikahan kay Dra. Aivee Teo para sa vlog nito, tinanong ng celebrity doctor kung ano ang pinaka-nakakabaliw na ginawa ni Maja para sa pag-ibig.

“Hindi ko makakalimutan ‘yung sinabi ni John Lloyd sa akin nu’ng time na may issue ako sa love. Sabi niya, ‘ang bata mo para i-risk ang career mo.’ Noong sinabi niya ‘yun, tumatak talaga ‘yun sa akin,” ani Maja.

At noong time na ‘yun, araw-araw daw ay tumatawag si Lloydie sa kanya para kumustahin kung okay siya.

“Every day tumatawag ‘yan. Kunyari may taping ako, sabi niya, ‘Kumusta ka d’yan sa set? Walang nang-aaway sa ’yo? Sabihan mo ko kapag may nambastos’ mga ganyan.

“So nandoon ‘yung okay… okay lang ako kahit anong pinasok ko. At least I know, nand’yan ‘yung friends ko,” wika ni Maja.

In fairness, time-tested na rin ang friendship nina Maja at Lloydie kaya naman hindi nakapagtataka na nu’ng magtayo ng talent agency ang aktres — ang Crown Artist Management — ay si Lloydie ang unang-una niyang naging talent.

PUMIRMA NG KONTRATA

Pumirma na si Madam Inutz (Daisy Lopez) ng two-year contract sa former Mr. Gay World titlist, sikat na businessman, social media infuencer at philanthropist na si Wilbert Tolentino last Thursday.

Ang kontrata ay sinulat sa Pilipino para lubos na maintindihan ni Daisy ang nilalaman nito kasabay na rin ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Present din sa contract signing si Atty. Bertini Causing.

Wala raw kukuning komisyon si Wilbert sa lahat ng kikitain ni Madam Inutz pero mag-i-endorse ito ng kanyang mga negosyo.

Ang ginawa niya noon na pag-aalaga at treatment sa dati niyang mina-manage na si Mader Sitang ay siya ring gagawin niya kay Madam Inutz.

Nilatag na rin ni Wilbert ang plano na bubuo sila ng album at nakakasa na ang first single ni Madam Inutz na Inutil composed by Ryan Soto.

Plano rin niyang gawing ambassador ng mga online seller si Madam Inutz at tutulungan nila ang mga gustong pumasok sa nasabing negosyo partikular na kung paano magkaroon ng sariling brand.

Tumawag lang sa 09175inutil. Puwede rin silang mag-e-mail at mag-message sa dlinutil@yahoo.com.

AUTHOR PROFILE