Janine & Rayver

Paulo, idinadawit sa hiwalayang Janine-Rayver

November 17, 2021 Vinia Vivar 233 views

As of press time ay tahimik pa rin sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez sa talk of the town na hiwalayan nila.

Si Janine nga ay three days nang inactive sa social media gayung halos araw-araw dati ay may bago siyang post.

Si Rayver naman ay active sa kanyang Instagram pero dedma pa rin sa issue.

Kaya sa comments section na lang ipinahahatid ng kanilang mga tagahanga ang kanilang nararamdaman sa rumored breakup.

“Janine sagutin ninyo ni rayver ang ngaun na balitang hiwalayan na kau… para malinawan nang mga fans mo,” komento ng isang fan.

Pagtatanggol naman ng isa niyang follower, “let’s give janine a peace of mind, i know someday she will come out to clarify things, be strong janine we love you, the opinion of others not matters to us anymore god bless.”

Ang iba naman ay bina-bash ang aktres at ang simpatiya nila ay na kay Rayver dahil nga marahil ay naniniwala sila na may kinalaman si Paulo Avelino sa breakup.

“Kwawa nmn c rayver ngka telesyere klng nghiwalay n kau,” pakikisimpatiya ng isang netizen kay Rayver.

“Miss janine sana maayos nyo pa ni @rayvercruz Ang relasyon nyo, pagsubok lang yan malalampasan nyo din yan,” komento naman ng isa pa.

“Anu pa ba ang kulng baki pina kawalan mu si rayver. Gwapo mabait humble gentlemen magalang family oriented stick to one. Decente hindi kana ma ka kita pa na artista gaya ky rayver sinayang mu. Baka pag sisihan mu yan,” sey naman ng isa pa.

Mensahe naman ng isang fan kay Rayver, “I’m sad to know about the breakup. I know that you have done your part, Rayver. It’s Janine’s big loss. When i’ve learned about your relationship with Janine, I know how honest you are about your intention but I was afraid of Janine.

Why? Because I know she has many goals in life related to her career and material things. You may not be that rich but you’re wealthier in many aspects. You’re a good and kind-hearted man, family-oriented, genuine, respectful, God-fearing, and faithful. In showbiz world, it’s very hard to find a man like you. It must have hurt you so much but you’re done your best, so no regrets. God has reasons for everything. I hope you find the right woman for you. God bless you always.”

Needless to say, lungkot na lungkot ang mga JanVer fan at umaasa sila na hindi totoo ang balitang breakup.

AUTHOR PROFILE