Paulo ayaw nang tapusin ang KimPau movie?
Nagkakagulo ngayon sa social media ang fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino matapos mag-tweet ng cryptic message ang aktor sa kanyang X (dating Twitter) account nitong nakaraang Thursday.
“Ma-experience nga na hindi tumapos ng pelikula,” ang tweet ni Paulo with laughing emoji.
Bagama’t wala namang tinukoy na partikular na pelikula ang aktor, sa comment section ay iisa lang ang hula ng fans.
Feeling ng KimPau fans ay ang first movie ng dalawa ang tinutukoy ni Paulo na “My Love Will Make You Disappear” under Star Cinema dahil ipinost ito ng aktor matapos maglabas ng poster ang SM Cinema na nagsasabing April na ang showing ng movie instead of Feb. 12 na original playdate nito.
Kasunod nito ang balitang in-unfollow na ng KimPau ang account ng Star Cinema.
Upon checking ay wala na nga sa list ng ‘following’ ng dalawa ang naturang produksyon.
Bukod dito ay balitang tinanggal na rin ni Paulo ang mga promotional material ng movie sa kanyang IG.
Dahil dito ay nag-trending sa X ang KimPau pati na rin ang Star Cinema.
Karamihan sa fans ay nagalit at nalungkot din. Kanya-kanya silang pahayag ng suporta sa kanilang idolo.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“I’m so sorry You don’t deserve this kind of treatment.”
“Di pantay ang treatment ng star cinema, wala ng ang pa presscon/Mediacon until now. Wala ding movie alert na nangyari. It’s time to stand up for ur right Pau, support ka namin dyan. Kawawa din si kimmy, antagal bago naga movie ulit under SC tas ganito pa.”
“PLEASE RESPECT KIMPAU KIMPAU DESERVES RESPECT.”
“Gusto ko maging understanding, pero di ko maiwasang maging malungkot, mahal ko kayo KimPau.
“Ang aga kong nasaktannagfile ng advance leave, nagbooked ng ticket and hotel in advance galing pa sa province for the movie tapos ito lang?
“@StarCinema paki explain niyo samin, bakit????”
As of press time ay wala pang pahayag ang Star Cinema tungkol dito gayundin ang KimPau.
Bukas ang People’s Tonight para sa anumang statement/s nila.