Pauleen

Pauleen, talo kina Vic at Tali: Girl ang second baby

August 9, 2023 Vinia Vivar 216 views

It’s another baby girl for Vic Sotto and Pauleen Luna!

Nagkaroon na ng gender reveal sina Bossing Vic and Pauleen na in-organize nina Danica Pingris-Sotto at Joy Sotto last Aug. 7.

Ipinost ni Pauleen at ng Nice Print ang mga photo at ilang ganapan sa nasabing event.

“Yesterday, our dear family, headed by @danicaspingris and @joywsotto threw an amazing gender reveal party for us 🩷 so so grateful for a fun filled afternoon! (Hindi ako nakatulog last night cos hindi ako maka move on😂😂😂) Will share how they revealed the gender 🤣 WILD!” ang caption ni Pauleen.

“We are having a….. 💘

“Thank you again fam for giving us this baby shower, thank you for celebrating life with us! God knows we’ve been praying for this for a long time, so thank you for celebrating with us! Thank you @danicaspingris and Mama @joywsotto for fixing everything (all we had to do was go to the garden) 🥹Thank you Lord!

“This gender reveal was soooo fun and so creative, i still can’t get over it,” pahayag pa ulit ng aktres.

Sey ni Vic sa video, “Ngayon lang ako nakakita ng ganu’ng gender reveal.”

Mapapanood sa short video na napakaraming activities at may dalawang mascot pa na naka-pink diaper ang isa at ang isa nama’y naka-blue na nagsapakan.

Kitang-kita rin na masaya ang lahat at enjoy na enjoy. Makikita ring halos kumpleto ang Sotto clan at naroroon din ang iba pa nilang relatives.

Sey ni Pauleen, “It’s nice kasi halatang pinag-isipan and you know they really put their love into this. So we are very, very thankful. Pero natalo ako, ha, kasi akala ko boy.”

Tanong niya kay Vic, “Ikaw, ever since?”

Sagot naman ni Bossing, “Girl.”

Sabi ni Pauleen, “Girl talaga sila ni Tali. Malakas sila magdasal.”

Ang ipinagbubuntis ni Pauleen ay pangalawang anak na nila ni Bossing. Ang panganay nilang si Thalita ay five years old na.

AUTHOR PROFILE