Daniel

Paul Jake kay Daniel: ‘Pare, you take mine, I take yours’

August 10, 2024 Vinia Vivar 81 views

JakeNag-react ang dating aktor na si Paul Jake Castillo sa issue ng asawang si Kaye Abad kay Daniel Padilla.

Matatandaang nakaladkad ang pangalan ni Kaye na diumano ay may “nakachorvahan” si Daniel na isang aktres na may initials na KA na may asawa na ngayon.

Pero nangyari umano ito noong wala pang asawa ang aktres.

Sa isang panayam noon kay Kaye ay natanong siya tungkol dito at aniya, “Grabe, nakakatawa ‘yang issue na ‘yan.”

Sa latest vlog ni Karen Davila kung saan featured ang mag-asawang Kaye at Paul Jake, pahapyaw nilang nadaanan ang issue.

Natanong kasi sa dalawa kung ano ang pakiramdam nila na mamuhay nang malayo sa showbiz.

As we all know, matagal nang tumigil si Paul Jake sa pag-aartista habang si Kaye naman ay manaka-naka na lang gumawa ng proyekto.

Naninirahan sila sa Cebu kung saan naroon ang pamilya ni Jake.

“Mas tahimik, walang issue,” sabi ni Kaye.

Biglang singit ni Paul Jake, “Ikaw, maraming issue, ako wala.”

Tawanan silang tatlo.

Natanong ni Karen kung ano ang issue kay Kaye at kaswal na sagot ng mister nito, “Daniel Padilla, ‘di ba?”

Tawa nang tawa si Kaye. Sey niya,  “Akalain mo si Daniel, mahilig sa tita,” at nagtawanan uli sila.

Ayon kay Kaye, hindi seloso si Jake at tinawanan nga lang nila ang issue.

“Sabi niya, ‘wala ba ‘kong picture with Kathryn (Bernardo) d’yan?’ ‘Bakit?’ Kasi magpo-post daw siya ng ‘pare, you take mine, I take yours.’

At nagtawanan silang mag-asawa.

Needless to say, hindi pinaniwalaan ni Jake ang tsika and obviously, hindi rin ito nakaapekto sa pagsasama nila.

AUTHOR PROFILE