MPD Patrolling at clearing operations isinasagawa ng MPD

Patrolling, clearing ops ikinasa ng MPD Station 2

August 27, 2021 Francis Naguit 510 views

Pinangunahan ni Manila Police District (MPD) Station 2 Commander PLT Col. Magno Gallora ang pagsasagawa ng patrolling at clearing operations sa kanilang area of responsibility, kabilang ang kahabaan ng Juan Luna at Recto sa Divisoria.

Patuloy din ang paninita ng MPD Dagupan PCP sa pangunguna naman ng kanilang hepe na si PSMS Gerardo Tubera, sa mga taong walang face mask at face shield maging sa mga pasahero ng jeep na dumaraan sa nasabing lugar.

Matapos muna silang sermunan o pag-sabihan ng mga kapulisan bilang paalala ay inaabutan nila ito ng libreng face mask at face shield pag may makikitang walang suot ng mga ito.

Ayon pa kay Tubera, nagsasagawa din sila ng clearing operation sa gabi at sinasabihan din ang mga nagtitinda ng mga gulay at prutas. Ani ni Tubera, isa sa mga isinusulong sa Maynila ang tamang pagtatapon ng basura o ang proper waste management upang masinop nang maayos ang mga basura.

At pagsapit naman ng madaling araw, nagsagawa ng cleaning operations ang mga manininda ng Divisoria Night Market. Ito ay kanilang ipapabuga ng tubig sa mga bumbero na may kasamang sabon lalo na kapag natapos na ang oras ng kanilang pagtitinda.

Inaayos din nila ang kanilang mga nahakot na basura at itinatapon ito ng maayos sa mga lalagyan upang masigurong malinis at ligtas, hindi lamang ang pamilihan kung hindi pati na rin ang kapaligiran, dagdag ni Tubera.

Tinutulungan din ng mga kapulisan ang Moriones Tondo Police Station 2, na pinamumunuan naman ni PLT Col. Magno Gallora Jr., at ang Dagupan Outpost na pinamumunuan ni Tubera upang masiguro ang kaayusan, kalinisan at katiwasayan sa Divisoria.

Bukod sa regular nilang paglilinis ay kanilang minomonitor ang pagsisinsin ng maayos ng mga basura, at pag-obserba ng proper waste management.

Ayon naman kay MPD director PBGen. Leo M. Francisco ng TEAM PACO, kasama ito sa kanyang mga utos sa pagpapatupad ng batas laban sa mga kriminal at pagsaway sa mga lumalabag sa health protocols, at kung maaari ay gawing 24/7 ang pag-papairal ng patrolling at clearing operations sa kani-kanilang mga area of responsibility.

Ito din ay isa sa mga programa nina PNP chief General Guillermo T. Eleazar at ni NCRPO chief Maj. Gen. Vicente D. Danao na “Serbisyong Tama, Tapat, May Tapang at Malaskit.” Francis Naguit & Jon-Jon C. Reyes

AUTHOR PROFILE