Default Thumbnail

Patay nakita sa ilalim ng tulay

December 13, 2023 Jonjon Reyes 410 views

NAMAMAGA na ang buong katawan at hinihinalang may apat hanggang limang araw nang patay ang isang lalaki na natagpuan sa ilalim ng Delpan Bridge sa may Ilog Pasig, sakop ng Muelle Del Rio , Barangay 649 Baseco,Compound, Port Area, Manila.

Tinatayang may taas na 5’2 hanggang 5’5 ,na 30 hanggang 40 anyos ang hindi pa nakikilalang biktima. May tattoo ito sa kanang balikat.

Batay sa ulat na isinumite ni Det.John Paul Rojo kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section,bandang 8:30 a.m. nang mamataan ni PO2 Danilo Fagarang ang bangkay.

Pansamantalang inilagak sa morgue ang biktima habang inaalam pa ang pagkakakilanlan nito.

AUTHOR PROFILE