Patay na binigti pa

June 1, 2021 Gil Aman 235 views

NANANATILING blangko ang pulisya sa bangkay ng isang lalaki na nakitang nakabitin sa gilid ng isang ilog sa Bgy. Sta Catalina, Majayjay Laguna ,Lunes ng hapon.

Base sa inisyal na ulat, nadiskubre ng isang residente na kinilalang si Leand Napula, 25, binata, ng Bgy. San Isidro ang halos naaagnas ng bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ma nakabitin sa gilid ng ilog na may lalim na mahigit na 15 talampakan bandang alas 3:00 ng hapon.

Walang saplot ang biktima na hinihinalang ilang araw nang nakabigti.

Masukal ang lugar at may kalayuan sa kabayanan ang pinangyarihan ng insidente, ayon sa pulisya.

Samantala nakatakdang sumailalim sa isasagawang pag- awtopsiya ng mga kagawad ng Scene of Crime Operatives (SOCO) ang bangkay upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng Majayjay PNP sa kaso at ang agarang pagkakakilanlan sa biktima.

AUTHOR PROFILE