Dombea

Patagong showbiz pairings, unti-unting lumalantad

July 22, 2021 Vinia Vivar 182 views

CocojulsMAY kinalaman kaya ang pandemya sa unti-unting pag-amin at paglitaw ng real-life showbiz pairings gaya nina Bea Alonzo at Dominic Roque at Coco Martin at Julia Montes?

Na-realize ba bigla ng mga artistang ito na life is short kaya mas okay nang namnamin at ipakita ang tunay na importante at mahalaga sa buhay?

As we all know, nagdiriwang ang fans at followers ng dalawang showbiz couples dahil sa wakas, mas open na sila, kumbaga, at mas nakikita nang magkasama saan man magpunta.

Sina Bea at Dominic, hindi na bothered mahagip man ng kamera ang isa’t isa habang magkasamang nagbabakasyon sa Amerika.

Kahapon nga, ni-repost pa ni Bea ang Instagram Story ni Dominic.

Wala na rin silang kiyeme magpakuha ng litrato na sweet. Ganundin sina Coco at Julia na ilang buwan lang ang nakakaraan ay kung saan-saan na nakitang magkasamang magbakasyon.

Sa ngayon, mas madalas pa silang makikita ng mga tagahanga dahil nga kasalukuyan silang may ginagawang proyekto.

After Dominic and Bea, Coco and Julia, sino pa kaya ang susunod sa kanila?

KEN, KUNTENTO KAY RITA

Wala nang mahihiling pa si Ken Chan kay Rita Daniela bilang ka-loveteam and leading lady.

“Napakagaling na aktres ni Rita, ang sarap niyang katrabaho. Lagi niya akong inaaalagaan sa set. Alam niya kapag malungkot ako, alam niya kapag gutom ako, alam niya kapag masakit ang ulo ko, alam niya kapag pagod ako, very sensitive siya na tao in a good way,” ani Ken.

Kaya naman daw sobrang swerte niya kay Rita.

“Hindi lang siya isang mabuting katrabaho kundi mabuti rin siyang kaibigan at mabuti rin siyang kasama. Ang sarap niyang kasama,” aniya.

Sa tatlong taon daw na pagsasama nila, sobrang kuntento and very happy siya sa piling ni Rita.

“Nagsimula kami ni Rita, 2018 sa My Special Tatay, pagkatapos, One of the Baes at ngayon naman, Ang Dalawang Ikaw. Tatlong taon na kaming magkasama and I’m very, very happy dahil lagi siya ang nakakasama ko at sana, marami pa kaming pagsamahan na future projects dito sa GMA-7,” pahayag pa ni Ken.

Pag-amin pa niya, “Napamahal na sa akin ‘yung tao, napamahal na sa akin si Rita. Lagi kong sinasabi sa kanya na maswerte ako, sobrang thankful ako and blessed ako na siya ‘yung nakakatrabaho ko.”

TRABAHO LANG, WALANG PERSONALAN

Masayang-masaya si Klea Pineda sa kanyang pagre-renew ng kontrata sa GMA-7 nitong nakaraang Miyerkules.

“Sobrang saya ko po,” ani Klea sa virtual presscon, “masayang-masaya ako dahil meron na naman po akong maraming taon para mabigyan ng halaga ang ginagawa ko rito sa industriyang ito at para mas maipakita ko pa ‘yung talento na ibinibigay sa akin.”

Ngayon nga ay may bago nang aabangang proyekto kay Klea pagkatapos ng Magkaagaw, ito ay ang drama series with Jak Roberto, ang Never Say Goodbye.

“Love story siya with a twist na about health, lalo na ngayong pandemic, sobrang malaking bagay po ‘yung health natin dahil nasa pandemya po tayo. Kaya mapapakita po rito kung paano natin pahalagahan ‘yung sarili natin at ‘yung mga taong nakapaligid sa atin,” paglalarawan niya sa kanyang bagong serye.

At dahil nga si Jak ang kapareha niya rito na alam nating very much in a relationship, biniro namin ang aktres kung hindi ba siya natatakot na pagselosan siya ng girlfriend nitong si Barbie Forteza.

Natawa si Klea at sey niya, “Alam ko naman po na si Barbie, very professional din po po at alam niya rin ‘yung trabaho na ginagawa namin na work lang, na walang personalan, hindi makatotohanan, talagang kailangan lang naming gawin for work. And I’m sure, maiintindihan naman po ‘yun ni Barbie.”

AUTHOR PROFILE