Default Thumbnail

Pasyente tumalon mula 4th floor ng ospital, dedo

March 27, 2023 Jonjon Reyes 431 views

TULUYAN nang binawian ng buhay ang isang 58-anyos na pasyente mula sa umano’y pagpapakamatay nito, matapos tumalon sa ika-apat na palapag ng isang ospital, Lunes ng madaling araw sa Jose Abad Santos Avenue, Tondo, Maynila.

Ayon kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, ang biktima ay residente ng Tondo sa lungsod.

Batay sa ulat ni Det. Jason Ibasco, bandang ala-1:15 ng madaling araw nang tumalon diumano ang bitkima mula sa mataas na bahagi ng ospital.

Nagkalasog-lasog umano ang katawan ng biktima matapos na lumagapak ito sa semento ng ospital batay sa ulat.

Sa pagsisiyasat ni Ibasco, ang biktima ay napag-alaman na maraming iniindang karamdaman umano at isa dito ay ang kanyang sakit diumano sa baga.

AUTHOR PROFILE