Paslit Mabilis na dinala sa pagamutan ang apat na taong gulang na batang babae matapos na masagasaan ng isang SUV. Tanging ang laruang manyika na lamang ng paslit ang naiwan sa pinangyarihan ng aksidente sa Adriatico St. sa kanto ng Quirino Avenue, Malate, Manila.

Paslit, 4, nagulungan ng SUV, patay

September 16, 2022 Jonjon Reyes 376 views

DEAD on arrival sa pinagdalhang pagamutan ang isang apat na taong gulang na batang babae makaraang masagasaan ng isang Mitsubishi Montero Sport, habang tumatawid sa southbound lane ng Adriatico St., kanto ng Quirino Avenue, Malate, Manila, Huwebes ng hapon.

Dahil dito, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Gil Cruzada, 63 anyos, may asawa at retiradong overseas Filipino worker na residente ng Garden City Subdivision, San Isidro, Parañaque City.

Bukod kay Cruzada, malamang na sampahan din ng kaso ang magulang ng paslit dahil sa kapabayaan.

Batay sa ulat ni Police SSg. Gil Christian Camangon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bandang 3:30 ng hapon nang masagasaan ang biktimang si Radzma Upao, residente ng Quirino Avenue, Malate, sa naturang lugar.

Papatawid umano ang paslit at dahil sa kalituhan sa pagdating ng sport utility vehicle na minamaneho ni Cruzada natumbok nito ang biktima.

Mabilis na isinugod sa Ospital ng Maynila ang bata subalit dakong 3:14 ng hapon nang ideklara ni Dr. Ed Paulo Halili, attending physician, na dead on arrival ang biktima.

AUTHOR PROFILE