Pasingit
FOR sure magtutulakan at maggigitgitan ang mga kalalakihan sa pinalitaw na “guhit” ng Vivamax actress na si Shiena Yu.
Tila isang exhibit na dinumog ng netizens ang mga larawang ibinahagi ng sexy star sa kanyang Instagram account.
Wala namang pila pero grabe ang “pasingit” ni Shiena. Guhit na guhit sa larawan ang kanyang guhit.
Kaya ang mga barako na kanyang tagahanga, bumilog ang mata para mag-enjoy sa “nice view” niya.
Sino ba namang hindi makasisipat ng kanyang pamatay na katawan kung sa suot nitong two-piece string bikini ay kumakaway ang kanyang seductive parts.
Todo-awra nga si Shiena habang nakasakay sa isang yate. Kahit saang pwesto o posisyon pa, ang titig at nakatagong “T” ng mga kalahi ni Adan sa kanya lang didiretso.
Grabe ang tilamsik ng mga papuri at heart emojis sa kanyang mga larawan. “Grabe ka na idol!” ang sigaw ng karamihan.
Naipamalas na ni Shiena sa ilang mga proyekto ng Vivamax ang husay niya sa pag-arte. Naitampok na siya sa mga palabas kabilang na ang Sitio Diablo (2022), Sugar Baby (2023), Wanted: Girlfriend (2024), at Room Service (2024).