
Pasilip
WALA ngang kahit na anong kurtina ang makapagtatakip sa nagwawalang hotness ng Vivamax actress na si Cariz Manzano.
Sa kanyang Instagram page, pinasilip ng bombshell ang pasabog na kaya niyang ihain sa madla.
Isang larawan nga ang ibinida ni Cariz kung saan bidang-bida ang kanyang hubo’t hubad na wangkata at manipis na kurtina.
Makikitang walang saplot ang hot actress at ang maganda niyang katawan ay pilit na nagtatago sa likod ng kurtina. Pero kahit na anong takip ang gawin, kumaway pa rin ang hubog niya.
Pati ang boobey ni Cariz, bakat kung bakat sa post. Hindi lang ang pagkalusog nito ang nasilayan ng netizens, pati ang pa-“pasas” ng bebot, na-zoom in din ng mga barako.
Pinagkaguluhan nga sa comment section ang alindog na ibinandera ni Cariz. Tuwang-tuwa ang netizens sa rapsang dala ng aktres.
Unang nakilala si Cariz bilang social media influencer sa YouTube at TikTok. Nitong 2024 ay pinasok naman niya ang mundo ng acting. Naitampok na siya sa ilang proyekto ng Vivamax kabilang na ang “Katas,” “Kulong,” “Sisid Marino,” at “Lamas.”