
Pasiklab sa Vegas
USAP-USAPAN na naman ang sexy star na si Rachelle Ruth matapos niyang mag-post ng serye ng mga larawan mula sa kanyang mga 2024 travels, at isa sa mga pinakapatok ay ang kuha niya sa Las Vegas.
Suot ang isang pink na sexy outfit, agaw-atensyon ang aktres sa social media. Sa nasabing larawan, litaw na litaw ang kanyang hot na pigura na tila sinasabi sa lahat na siya ang “queen of the strip.”
Ang pink na outfit ay perpektong tumugma sa kanyang glowing na balat, habang ang kanyang confidence ang nagdala ng X-factor sa shot.
Nag-uumapaw naman ang reaksyon ng kanyang mga followers. “Each swipe is perfect for each month for a 2025 calendar!” ani ng isa. “Definitely slay every picture!” dagdag pa ng isang netizen.