Robin1

‘Pasenya na po,’– Sen. Robin sa Senado

February 26, 2024 PS Jun M. Sarmiento 65 views

HUMINGI ng paumanhin si Sen. Robin Padilla noong Lunes sa Senado dahil sa ginawa ng asawa niyang pagpapalagay ng vitamin C sa kanyang opisina noong Peb. 25.

Nagpadala ng sulat si Padilla kay Dr. Renato DG Sison, direktor ng Medical and Dental Bureau; at kay Roberto Ancan, sergeant-at-arms ng Senado para pormal na humingi ng paumanhin.

“Kailanman po ay hindi ko naisip na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na alituntunin ukol sa seguridad ng Senado, lalo’t higit ang hindi pagbibigay-galang sa ating institusyon,” ani Padilla sa kanyang liham kay Ancan.

“Nais ko pong bigyan ng diin na wala pong intensyon ang aking maybahay na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na patakaran ng Medical Bureau,” ayon sa mambabatas, sa liham naman niya kay Sison.

Nitong Linggo, humingi rin ng paumanhin si Gng. Padilla sa publiko at sa Senado sa nangyaring pag-IV drip sa tanggapan ni Sen. Padilla. Nilinaw din niya na Vitamin C at hindi glutathione ang drip niya.