
PascualLab tuloy ang pamamahagi ng #PascualLove sa 77th year
Sa ika-77 na taon ng pagbabahagi ng quality, family-friendly health and wellness products sa mga Pilipino, patuloy ang pagpapalawig ng Pascual Laboratories, Inc. (PascualLab) ng #PascualLove, bilang bahagi ng commitment para sa strong, healthy families.
Mula nang ilunsad noong 1946 para tugunan ang health needs ng mga Pilipino sa pagtatapos ng World War II era, isa pa rin ang PascualLab sa kasalukuyang nangunguna sa pagtugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng mga komunidad sa pamamagitan ng innovative health products ng kumpanya.
Kabilang sa purposeful innovations nito ang Vitex negundo L. Lagundi Leaf (Ascof Lagundi), ang nauna at No. 1 na Lagundi cough remedy sa merkado; ang WellGreens, premium organic supplements na sumasailalim sa 13-step quality assurance process, sertipikadong purong organic ng European Union (EU) at US Department of Agriculture (USDA) at sertipikado ng Good Agricultural Practices ng Philippine Department of Agriculture at Halal ng Islamic Da’wah Council of the Philippines.
Ang bawat PascualLab product ay dekalidad at ginawa nang may pag-iingat – ang bawat health product ay tugma sa iba’t ibang lifestyle at tumutugon sa iba’t ibang health needs kabilang na rito ang top adult Ascorbic acid (Vitamin C) brand na Poten-Cee Vitamin C.
Ang Poten-Cee, na iniendorso ng Kapuso actress na si Heart Evangelista, ay may adult at pedia variants at mga specific variants na para sa mga taong sensitibo ang tiyan, abala at nag-iingat sa kanilang blood sugar.
Isa sa mga pinakabagong variants ng Poten-Cee ay ang Poten-Cee Zn Advance (Ascorbic acid + Zinc + Cholecalciferol) na may ideal na kumbinasyon ng Vitamin C, Zinc at Vitamin D na makatutulong sa pagpapalakas ng immunity.
Ngayong taon, pinakikilalala naman ng Poten-Cee + Collagen (Poten-Cee + C) ang pinakabagong variant nito — ang Marine Collagen. Ang Poten-Cee + C Marine Collagen ay may Sodium Ascorbate³ (Vitamin C sa non-acidic na format) at Hydrolyzed Marine Collagen na mula sa laman-dagat.
Ang Vitamin C ay mahalaga para sa collagen production samantalang ang Hydrolyzed Marine Collagen ay tumutulong na maiwasan ang wrinkles at mapabuti ang skin hydration at mapanatili ang firmness.
Sa linya naman ng oral health, ang PascualLab ay isa sa mga nauna sa paggamit ng Stabilized Chlorine Dioxide sa OraCare MouthRinse.
Ang OraCare MouthRinse ay tumutulong sa pagpapanatili ng oral health, dagdag sa brushing and flossing, kung gagamitin ng regular.
Ngayon, mas madali ang pagpapanatili ng oral health sa pamamagitan ng no-sting formulation ng OraCare Mouth-Rinse, dahit ito ay mas affordable at mas available sa mga family members dahil may Buy 1 Take 1 promo ito.
Mula sa purposeful innovations hanggang sa de-kalidad na mga produktong sumusuporta sa iba’t ibang lifestyle needs ng mga tao, patuloy ang PascualLab sa pagbabahagi ng #PascualLove, upang maging madali at mas natural ang pagsuporta sa kalusugan ng bawat Pilipino.