Pasahero PUSO ng transportation, airline industry

April 21, 2022 Jun I. Legaspi 127 views

Jun LegaspiTOTOO nga ang Pasahero ang PUSO ng transportation industry. Napakagandang balita para sa airline industry dahil umabot sa halos 900,000 passengers ang naitalang record ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na bumiyahe sa nakalipas na Semana Santa Domestic at International flights

Sa record ng NAIA Oplan Semana Santa 2022 under sa leadership ni NAIA GM Edd Monreal mula April 7-18, 2022 ang domestic daily arrival ay nag-peak sa 36,204 pababa sa 25,917, ang departure ay nag-peak ng 31,040 pababa sa 23, 891 at ang total nya ay 616, 228. Ang international flights ay nag-record ng daily arrival ng 12,911 ang pinakamataas. Ang total ay 848, 572 domestic at international flights.

Ayon pa rin sa record ng NAIA malayo ito sa record ng 2021 na umabot lang ang domestic na may 82,876 arrivals at departure, ang international flights 56,193 arrival at departure sa nasabi ring kaparehas na holidays.

Ang mga records na ito ay pinatuyan din ng mga airline company sa halos pagdoble ng kanilang mga pasahero. Sa katunayan anya halos lahat sila ay nagdagdag ng kani-kanilang mga flight sa halos lahat ng routes domestic o international.

Sa katunayan anya halos naka book na lahat ang kanilang mga flights in advance sa hindi nila inasahang volume ng pasahero papasok man o palabas ng NAIA.

Larawan ito na patuloy na pagsigla ng airline industry at malaking tulong ito para sa mabilis na recovery ng industriya at sa economy ng bansa, dahil hanggang may bumibiyaheng mga pasahero hindi lang ang airline industry ang makikinabang kundi lahat.

Kaya talagang commendable ang leadership ni GM Monreal. Ika nga silently pero smoothly at maayos magtrabaho. Higit sa lahat ligtas at walang naitalang mga insidente sa lahat ng bumiyaheng biyahero at mga bakusyanista sa NAIA domestic at international at maging sa loob at sa buong palisidad ng premier airport ng bansa.

Naipatupad ang lahat ng mga alituntunin sa mga empleyado ng NAIA at mga ibang agencies ng gobyerno. Nagpapatupad ng mga rules and regulations pangunahin na ang safety at security ng mga pasahero ng hindi naikukumpromiso ang health protocol na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force o (IATF). Ipinakikita lang nito na talagang mahusay ang leadership ni GM Monreal.

Wala rin tayong nabalitaang mga petty crime incidents patunay na maayos na naipatutupad ni GM Monreal ng mahusay ang safety at security sa loob at sa buong pasilidad ng NAIA.

Unti-unti na rin nagbubukas ang ibat-ibang mga establishements na kailangan ng mga pasahero tulad ng mga restaurants sa loob at paligid ng NAIA.

Ang land transportation tulad ng taxi, airport taxi, TNVS, Buses, private limousine at iba pang katulad na mga services ay nagpakita rin ng mabilis na recovery dahil sa volume ng mga pasehero domestic o international flights.

Ayon sa mga operators at drivers ng mga nasabing transportation mode karugtong ng aming pusod at puso ang airline industry — sila sa himpapawid kami naman ang bahala dito sa ibaba.

Tulad din ni GM Monreal, commendable din si Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente sa tahimik din magtrabaho subalit epektibo.

Sa ibinigay na record ni Dana Sandoval, spokesperson ng Bureau of Immigration (BI), halos umabot sa peak na 15,234 ang arrivals at 12,855 naman ang departures base sa record ng BI.

Marami tayong mga nakuhang feedback at isa lang ang kanilang sinasabi: talagang maasahan ang mga opisyal na ito ni President Rodrigo Roa Duterte, tahimik subalit mahusay at maasahan.

GM Monreal, BI Commissioner Morente at BI Spokesperson Sandoval MABUHAY PO KAYO!

AUTHOR PROFILE