Default Thumbnail

Pasahero pinatawad dumampot ng wallet

June 21, 2023 Jun I. Legaspi 253 views

Sa Iloilo airport

SA tulong ng mga alertong security personnel ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Close Circuit Television (CCTV) personnel, agad naisoli ang nawalang pitaka ng isang pasahero na naglalaman ng P9,000 sa Iloilo International Airport, ayon sa mga awtoridad.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, sa report ni IAI manager Manuela Luisa Palma 4:49 a.m Miyerkules, nawala ang wallet ng pasaherong si Reche Escoba ng AirAsia flight Z2 305 galing Iloilo patungo ng Manila.

Agad ipinaalam ni Escoba ang insidente sa mga CAAP Security and Intelligence Service ((CSIS) na agad umaksyon sa insidente.

Sa tulong ng mg CCTV personnel nakita na kinuha ng isa pang pasahero ang wallet ni Escoba.

Mabilis na dinakip ng CAAP security ang suspek at agad na nakuha ang wallet at P9,000 cash.

Ayon kay Apolonio, matapos maibalik ang nawalang wallet na may cash pinatawad ni Escoba ang suspek at hindi na nagsampa ng reklamo laban dito.

“We are glad that we were able to swiftly return Mr. Escoba’s wallet to him. This incident shows that our security personnel are always on the lookout for suspicious activity and that we are committed to providing a safe and secure environment for our passengers,” ani Palma.

“CAAP remains dedicated to upholding the highest standards of security, customer service, and integrity, ensuring that all passengers have a safe and pleasant experience when traveling through its terminals,” saad naman ni Apolonio.

AUTHOR PROFILE