Default Thumbnail

PASADA iginiit direktang ayuda, pagsuspindi sa excise tax

March 2, 2022 Zaida I. Delos Reyes 755 views

Sa gitna na sunod-sunod na oil price hike

SA gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, iginiit ng commuter at transport workers advocate na PASADA sa pamahalaan na suspendihin ang implementasyon ng excise tax sa langis at bigyan ng direktang ayuda ang mga drivers at operators ng mga pampasaherong jeep, bus, taxi, Auvs at online transport system.

Sinabi ni Ricky Rivera, founder ng Pasada, napapanahon na para suspendihin ang excise tax sa langis na isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng public transport sa bansa.

Aniya, kung walang excise tax ay maaaring walang maganap na sunod sunod napagtaas sa presyo ng petroleum products.

Matatandaang ngayong linggo lamang ay naipatupad ng mga oil companies ang ika-9 na oil price hike .

“Kung walang gagawing intervention ang pamahalaan, lalung maghihirap ang maliliit na operator at driver ng mga pampasaherong sasakyan, babagsak din ang negosyo ng mga nasa transport industry at kawawa din ang mga commuters dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo nagkakaroon ng pagtaas sa presyo ng bilihin dahil sa mataas na halaga ng transportation expenses ng mga nangangalakal nagpapasok ng produktong pagkain sa merkado”pahayag ni Rivera.

Nais din ng PASADA na direktahang maibigay ng pamahalaan sa mga driver at operators ng mga pampasaherong sasakyan ang ayuda para sa mga ito ng gobyerno.

Inohayag nito na hanggang sa ngayon ay may mga driver at operator pa ng mga pampasaherong sasakyan ang hindi nabibigyan ng financial assistance ng gobyerno.

Kaugnay nito, sinabi ni Halili Riders founding Chairman Ian Halili na umiiyak na rin ang kanilang mga miembro dahil sa sunod sunod na pagtaas ng gasolina.

“Hindi lang mga private individual riders ang member namin dito kundi maging ang mga tricycle drivers at operator ay apektado ng oil price hike.Umiiyak na sila sa ilang sunod na taas ng presyo ng gasolina at krudo. Halos ilang oras sila sa lansangan pero kakarampot na kita lang ang maiiuwing kita sa pamilya dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo kaya sana magawan ng pamahalaan na gumawa ng paraan na mapigilan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.” Pahayag ni Halili.

Idinagda pa ni Halili na tulad ng ilang jeepney operator at driver na nabigyan ng financial aid, dapat din anyang bigyan ng financial aid ang mga Tricycle drivers at operators na gumagamit din ng petrolyo sa paghahanapbuhay.

Una nang humingi ng fuel discount ang delivery service providers na FoodPamda Philippines at Riders’ advocacy group Kapatiran sa Dalawang Gulong (Kagulong) dahil sa tindi ng epekto sa kanilang hanapbuhay ng oil price hike.