Ashley

Pasa at mga sugat, ibinalandra ni Ashley sa IG

April 2, 2023 Vinia Vivar 329 views

Marami ang humanga kay Sparkle artist Ashley Ortega matapos nitong ibahagi ang ilang behind-the-scenes sa pinagbibidahang GMA primetime series na Hearts on Ice.

Makikita sa kanyang Instagram post ang mga sugat at pasa na kanyang tinamo habang gumagawa ng stunts sa ice skating rink.

Pero ayon sa aktres na gumaganap bilang Ponggay, “All I can say is how fulfilling it is to go home from work despite all the sleepless nights, cuts, falls, bruises, and physical exhaustion.”

Nilinaw din ni Ashley na normal lang sa figure skating na madapa at masaktan, “The production of HOI takes good care of me and everyone on set. All my bruises, falls and cuts are accidents and it’s normal in our sport.”

Kasunod niyan, mas lalong bumilib ang fans at co-stars ni Ashley sa kanyang dedication sa serye. Say ni Roxie Smith, “Queen things!!!!”

Dagdag pa ni Rita Avila, “I hope you are feeling better today. Rest your body while you can.”

Komento naman ng ilang netizens, “I call them battle wounds or badges of honor. Laban lang, Ponggay! Thank you for making this show worth watching. Salute to you, Miss Ashley! Grabeeee the effort. Go, Ashley. We’re always rooting for you!”

Talaga namang very similar sina Ashley at Ponggay na parehong hindi sumusuko para abutin ang kanilang mga pangarap.

AUTHOR PROFILE