Rubi

‘Parking lot’ controversy nakatulong sa RuCa

June 22, 2024 Vinia Vivar 329 views

Kahit matagal na ang ‘parking lot controversy’ na kinasangkutan noon ng magdyowang Ruru Madrid at Bianca Umali, of course, hindi pa rin nila ito nakakalimutan dahil malaking parte ito ng kanilang relasyon.

Pero tinatawanan na lang nila ito ngayon.

Sa guesting ng RuCa last Thursday sa show ni Boy Abunda, napag-usapan ang mga pagsubok na dinaanan ng kanilang relasyon sa loob ng anim na taon.

Ayon kay Bianca, “One heck of a ride” ang six years nilang relasyon at masaya sila na na-survive nila ang lahat ng challenges.

“Every year, meron kami talagang pagsubok na pagdadaanan,” ani Bianca.

“That’s the reality of every relationship, eh. Walang relasyon ang perpekto and we’re proud of all of the imperfections na we’ve gone through because alam namin ni Ruru ‘yung tinahak naming dalawa para maging ganito kami ka-strong ngayon,” pahayag pa ng aktres.

Isa nga sa mga pagsubok na naranasan nila ay noong unang taon ng kanilang relasyon.

“Unang taon namin, actually, hindi pa kami umaabot sa first anniversary namin. Nagkaroon na kami ng pagsubok agad,” ani Bianca.

“Maraming nakakaalam nitong pangyayari na ‘to. And it was very controversial at nangyari ‘yun, wala pa kaming isang taon,” sey pa ng aktres.

“Ito ‘yung…?” tanong ni Boy.

“The controversial parking lot,” natatawang sabi ni Ruru.

Tinatawanan na lang ito ngayon pero marami raw silang natutunan sa pangyayaring ‘yun.

“Siguro ‘yung pinakamatinding natutunan ko dito is that nalaman ko kung ano talaga ‘yung kahalagahan ni Bianca para sa akin. I’m not saying na kinailangan pa niyang mangyari para lang makita ko ‘yung kahalagahan niya.

“Pero para siyang blessing in disguise na para bang nu’ng nakita ko siyang nasaktan, nu’ng nakita ko siyang umiiyak, parang part of me nadurog, eh. Nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ko na hahayaan na umiyak pa itong babaeng ‘to kahit kalian,” pahayag ni Ruru.

“Ang sarap sa puso,” reaksyon naman ni Bianca sa sinabi ng boyfriend.

Ang second year nila ay apektado pa rin ng nangyaring kontrobersiya at inamin ni Bianca na naging cold siya kay Ruru after that.

Pero in the end ay pinili pa rin nila na mag-stay sa relasyon.

“Ako rin, sa totoo lang, kahit na I was in pain, hindi ko rin kaya na mahiwalay sa kanya. But that whole year after the first year, ‘yun ‘yung tinatrabaho namin na at the end of that year, na-realize namin na sa hirap at ginhawa, kung ano man ang mali, kung ano man ang masakit at masaya sa mga puso namin, pinili namin na mag-stay kasama ang isa’t isa at mahalin ang isa’t isa,” she said.

Matatandaan na naganap ang parking lot controversy noong 2019 sa premiere night ng pelikula ni Ruru with Jasmine Curtis sa SM Megamall.

Dahil sa selos, pinaharurot ni Bianca ang kanyang sasakyan at muntik na nga niyang masagasaan ang boyfriend.

AUTHOR PROFILE