Pari itinaboy ang mga espiritu sa condo ni Basil
NGAYONG 2024, 100 years old na pala sana si Fr. Roque Ferriols, itinuturing na pioneer ng Filipino philosophy at mas nakilala sa pagpapatalsik ng mga espiritu sa condo unit ng OPM icon/hitmaker na si Basil Valdez. Ninety-six years old si Fr. Ferriols nang bawian ng buhay noong August 15, 2021.
Para sa mga hindi nakakaalam, si Fr. Ferriols ay isang legendary Ateneo de Manila University professor na nagbigay inspirasyon sa napakaraming estudyante. Kabilang dito ang TV5/PLDT/Smart Communications CEO na si Manny V. Pangilinan, Cardinal Luis Antonio Tagle at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president Bishop Pablo Virgilio David.
Sa katatapos ngang symposium sa Ateneo kung saan ipinagdiwang ang 100th birthday ni Fr. Ferriols, ibinahagi ni Prof. Dr. Manuel Dy ang isang touching story tungkol kina Basil at Fr. Ferriols.
Pagbabalik-tanaw niya, “Basil Valdez once called for help, feeling spirits haunted his condo. Fr. Ferriols, despite being on retreat, went and blessed Basil’s condo, and the spirits disappeared.”
Pinamagatang “The Story of the Wheelwright: The Influence of Chinese Philosophy on the Thought of Fr. Roque Ferriols,” ang naturang symposium ay co-organized ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), na pinangungunahan ng presidente nitong si Dr. Cecilio K. Pedro at ang kanyang representative na si EVP Victor Lim.
Para naman MVP, si Fr. Ferriols ay isang “hero.”
Aniya, “For opening my eyes to the world around me and to the soul within me, Fr. Roque Ferriols is my Ateneo hero. His brilliant insights remain invaluable to me and my core beliefs.”
Para sa ilan pang nakakakilala kay Fr. Ferriols, ang rebolusyonaryong hakbang nito noong 1969 na magturo ng pilosopiya sa Filipino noong panahon na ang Ateneo ay pinangungunahan ng mga American Jesuit at ang mga klase ay nasa Ingles ay isang matapang na pampulitikang pagkilos.
Isa pa, ang kanyang pagsasama-sama sa Eastern and Western philosophies, lalo na ang kanyang pagpapahalaga sa karunungan ng tao, ay nagpayaman sa kanyang mga turo ng pilosopiyang Pilipino.
Ayon pa sa kanila, mahilig din si Fr. Ferriols sa musika. Grabe raw ang paghanga niya sa Beatles at sa kanta nitong “Let It Be.”
Maaga mang nawala, ipinagpapatuloy naman ng FFCCCII ang nasimulan ni Fr. Ferriols na pagpapaunlad ng kulturang Pinoy sa pamamagitan ng pagsuporta sa makabuluhang mga proyekto tulad ng EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), at pagpaparangal sa mga natatanging artistang Pilipino na may pamana ng Tsino tulad ng Pambansang Alagad ng Sining na si Ricky Lee, legendary singer/composer Jose Mari Chan at beauty queen/Kapuso actress Michelle Dee.
Speaking of Jose Mari, ayon sa chairman at tagapagsalita ng FFCCCII na si Wilson Lee Flores, tumulong ang organisasyon sa pag-nominate sa singer/composer para maging National Artist.
“Ang kanta naman talaga niya hindi lang pang-elite. Lahat ng tao, kahit na sino, na-inspire kay Jose Mari Chan at magaganda ang music niya,” katwiran ni Wilson.