
Paradise
MULING pinaranas ng vlogger-actress na si Ivana Alawi ang paraiso na sa kanya lang malalasap.
Ibinida ng kilalang social media star sa kanyang Instagram ang katakam-takam nitong sex appeal sa mga larawang ibinahagi nang magtungo sa isang beach.
“Paradise,” caption ni Ivana sa mga larawan.
Nasa dagat man si Ivana, biyaheng langit naman ang kanyang mga lalaking tagasubaybay sa mala-anghel na ganda ng bebot at mala-halimaw niyang hotness.
Maihahambing nga sa paraiso ang perpekto niyang hubog. Manlalaki ang mga mata ng kahit na sinong kelot na mapapatitig dito. May dalang nakakabaliw na karisma ang kanyang toned body at mala-porselanang ganda.
Breathtaking man ang ganda ng sunset background sa larawan, pokus pa rin ang netizens kay Ivana na kabogera ang pag-awra sa suot na white bikini.
Nasilaw ang mga kalahi ni Adan sa awra ng vlogger-actress. Glowing na para bang hindi kumukupas ang kanyang alindog.
Nagningning ang comment section ni Ivana sa mga papuri sa kanya ng netizens. Pinaulanan nila ng puso at fire emojis ang larawan niya.
“Salamat po sa blessing,” hirit pa ng isang IG user.
“You are the Paradise!” dagdag pa ng isang nagkomento.