Paolo

Paolo, wala munang plano mag-anak

July 8, 2023 Vinia Vivar 213 views

Wala muna sa plano ngayon ni Paolo Contis na dagdagan pa ang tatlong anak.

Hindi kaila na may dalawang anak si Paolo with ex-girlfriend Lian Paz, sina Xonia at Xalene, at may isa pa siyang anak sa ex-GF ding si LJ Reyes na si Summer.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Paolo sa vlog nito, naitanong niya kung wala ba itong plano na dagdagan ang mga anak.

“At the end of the day, natutunan ko na kailangan kong ayusin lahat,” ani Paolo.

“It will be very unfair kung sabihin kong gusto ko pang magkaroon ng anak. Unfair ‘yun sa bata. Na marami akong bagay na hindi ayos. Unfair ‘yun du’n sa baby, unfair ‘yun du’n sa ibang mga bata,” dagdag pa ng aktor.

“Siguro, bago ako mag-jump into that, everything has to be fixed, everything, literally. Sa mga bata, sa akin, as a person. I wanna make sure I’m stable enough to actually have another,” patuloy niya.

Kaya napakalaking bagay nga raw sa kanya na napasama siya bilang host ng “Eat Bulaga” dahil karagdagang income nga naman ito sa kanya.

“Sa totoo lang, malaking bagay sa akin ang ‘Eat Bulaga.’ Naging maayos ‘yung trabaho ko,” he said.

Asked kung para saan ang pagsisipag niya, sey ng aktor, “sa lahat nu’ng kailangan.”

He added, “It will not fix lost time, but it will fix a lot of things, personally. Now, I’m trying to, you know, rebuild, and I’m very thankful sa TAPE, isa ako sa nakuha, pinagkatiwalaan nila akong magpatuloy ng show.”

AUTHOR PROFILE