Paolo

Paolo, ‘naloloka’ sa pagdedebate ng netizens

September 14, 2021 Vinia Vivar 60 views

Itinanggi ni Paolo Contis ang akusasyon ng netizens na five days silang magkasama ni Yen Santos sa Baguio City.

Pinagdedebatehan nga kasi ng mga netizen na hindi isang araw lang magkasama sina Yen at Paolo at naglabas pa sila ng mga ebidensya ng mga larawan ng dalawa with matching dates bilang pagpapatunay.

Some say na five days magkasama ang dalawa at may nagsasabi namang 10 days.

Matatandaang sa post ni Paolo last week ay sinabi niya na isang araw lang silang magkasama ni Yen sa Baguio.

Sa latest vlog naman ni Ogie Diaz ay binasa niya ang sagot ni Paolo hinggil sa issue.

“Naloloka na rin ako, mare. Ang sabi nila 5 days daw kami sa Baguio ni Yen. May nasulat naman, 10 days daw kami. Pakisabi gawin na nilang 30 days para happy sila. Hahaha!” sey daw ni Paolo.

Idinetalye rin ng aktor ang aktibidades niya noong panahong sinasabing magkasama sila ni Yen sa Baguio.

“Paano mangyayari ‘yun? Aug. 28, nagpabakuna ‘ko sa Caloocan. Aug. 30, nag-taping ako ng Bubble Gang. Sept. 3, taping ako ng Dear Uge. So, ano ‘yun, inaaraw-araw ko ang akyat-panaog sa Baguio? Ano ‘to, road trip every other day?” sabi raw ni Paolo.

Paliwanag pa ng aktor, may mga nagpa-picture pa raw sa kanya noong nagpabakuna siya last Aug. 28.

“Saka ang nakakaloka pa dito, ang daming paparazzi at ang daming curious sa everyday schedule of events ko. Nagtataka lang ako, eh, ang daming nagpa-picture sa akin noong Aug. 28 na nagpabakuna ako sa Caloocan, ba’t walang nag-post? Hahaha!

“Now is the best time, ipost n’yo ‘yun dahil pinagbibintangan akong 5 o 10 araw ako sa Baguio. Sayang, walang CCTV noong nagpabakuna ako,” ani Paolo.

SUPORTADO

suportado ni Joey de Leon ang tandem nina Sen. Ping Lacson at Senate President Tito Sotto sa 2022 elections.

“Pagkakakilala ko kay Tito, para sa aming grupo isang magaling na lider o pinuno. ‘Yan ang huwaran namin pagdating sa kamag-anak o sa pamilya. Basta alam ko magaling si Tito, ganundin si Ping. Kaya one good plus one good eh ‘two/too” good,” ani Joey sa recent interview.

Of course, matagal nang kilala ni Joey si Tito Sen bilang pareho silang parte ng Tito, Vic & Joey trio ng Eat Bulaga with Vic Sotto at time tested na rin talaga ang kanilang pagkakaibigan.

Samantala, may mga nagtatanong kung pina-feng shui daw ba nina Ping at Tito ang napili nilang petsa sa campaign launch dahil ginawa ito noong September 8. Alam naman siguro ng marami na itinuturing “lucky number” ang 8.

August 4 kasi ang unang petsa na napili nila para sa official launching ng kanilang tandem pero kinansela nila ito hindi dahil sa feng shui kung hindi dahil sa dumaraming kaso noon ng COVID-19 dahil sa Delta variant.

Bukod doon ay ilalagay sa lockdown ang Metro Manila noong August 6.

At nang matuloy na campaign launch noong Sept. 8, direct to point ang kanilang mensahe at walang halong entertainment.

“Humaharap po tayo sa matitinding suliranin, bagsak ang ekonomiya, pagkalat at pagtaas ng kaso ng mga COVID-19 sa buong bansa, laganap na korapsyon, paghihirap ng mga Pilipino. At gaya ng dati, ang mga ordinaryong tao, ang mga salat sa karangyaan, ang mga dukha, ang mga mahihirap, ang nakakaranas ng matinding pagdudusa,” pahayag ni Tito Sen.

“Ngunit ang mas malubhang problema ay ang kawalan ng pag-asa, naku ‘wag na ‘wag ‘yan ang mawawala,” he added. “Subalit, higit pa sa aking mga nabanggit, naririto kami dahil kami ay naniniwala na sa ating pagtutulungan tayo ay magtatagumpay, pinapangako namin na hindi kami titigil sa laban na ito hangga’t di nanunumbalik ang kaayusan ng ating bansa.”

AUTHOR PROFILE