Paolo

Paolo nag-react sa engagement ni LJ

May 31, 2023 Aster Amoyo 239 views

NAGBIGAY ng maigsing pahayag si Paolo Contis kaugnay sa engagement ng kanyang ex-partner na si LJ Reyes sa non-showbiz fiancé nito na si Philip Evangelista sa Amerika.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras,” inihayag ang text message ni Paolo nang hingan ng komento tungkol sa engagement ni LJ.

“Of course, I’m very happy for her. She deserves to be happy,” saad ng aktor.

Naghiwalay ang dalawa noong Setyembre 2021, at pagkatapos nito ay lumipad si LJ papuntang US kasama ang anak na sina Aki at si Summer, na anak nila ni Paolo.

Una rito, nag-post si LJ sa Instagram ng ilang larawan sa nangyaring engagement nila ni Philip.

Sa kanilang mga larawan, makikitang naka-all-white ang dalawa habang nasa beach. Dito, lumuhod si Philip at inalok ng kasal si LJ.

Hindi napigilang maging emosyonal ng aktres, habang pinapahiran ni Philip ang kaniyang luha.

““For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.” Jeremiah 29:11 NLT” caption ni LJ.

Joshua gustong magpasalamat kay John Lloyd

JoshuaDAHIL na rin sa karisma at husay sa pag-arte, may mga nagsasabi na si Joshua Garcia ang “next John Lloyd Cruz.” Ano kaya ang reaksyon ng “Unbreak My Heart” actor tungkol dito?

“Sobrang flattering, parang gusto ko lang na maglaho na parang bula,” sabi ni Joshua.

Pero paglilinaw ni Joshua, noon niya madalas madinig ang naturang komento, at hindi na ngayon.

Itinuturing niyang karangalan ang naturang bansag na susunod na “John Lloyd Cruz.”

“I’m honored na matawag bilang John Lloyd Cruz, nakatulong din siya sa akin, sa karera ko, na tinatawag nila akong ganu’n,” patuloy niya.

Pero paliwanag niya, “Siyempre ako, nandoon ako sa gusto ko rin i-prove na may sarili ako.”

Sinabi ni Joshua na hindi pa sila nakakapag-usap ni John Lloyd tungkol dito sa tuwing magkikita, pero nagkakamustahan sila.

Huli raw silang nagkasama nina John Lloyd, kasama sina Bea Alonzo at Julia Barretto.

Bida si Joshua sa “Unbreak My Heart,” na historical collaboration ng GMA Network, ABS-CBN, and Viu Philippines.

Vin all-out support sa pagbabalik ni Sophie

ALL-out ang suporta ni Vin Abrenica sa kanyang asawang si Sophie Albert sa pagbabalik sa trabaho, at mapapanood na sa bagong Kapuso series.

Bahagi si Sophie ng upcoming mystery series na “The Missing Husband,” na nagtaping kamakailan sa Dubai. Nakabalik na sa Pilipinas si Sophie, kaya naman napakasaya ni Vin na muling makasama ang kanyang asawa.

Ayon kay Vin, sumakto ang taping ni Sophie matapos niyang gumanap sa “Mga Lihim ni Urduja,” kaya siya naman ang nag-aalaga sa kanilang anak na si Avianna.

Sinabi ni Vin na magandang proyekto ang “The Missing Husband” at may hamon sa karakter ni Sophie, kaya todo ang pagsuporta niya.

Samantala, may bago ring proyekto si Vin ngunit hindi niya muna inilahad kung ano ito.

“Finally nga sabi niya nakabalik siya eh, ang sarap lang sa feeling na, dream niya ito eh, so pinu-pursue niya ulit ‘yung dream niya. I’m so proud of her na nakakabalik siya, at she’s really doing well,” sabi ni Vin.

AUTHOR PROFILE